Ticket sa Pacquiao-Margarito clash, ubos na

TINITINGNAN ni business tycoon  Jerry Jones, may-ari ng Cowboy Stadium, kung bubuksan pa niya ang top deck at upper level ng venue para sa Nov. 14  showdown nina  7-division world champion Manny Pacquiao at former world champion Antonio Margarito.

Itoy matapos dumugin ng mga fans ang bentahan ng ticket para sa laban na balitang lumampas na sa 20,000 mark.

Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, nagpalabas na sila ng 300 karagdagang tickets dahil sa dami ng gusto pang bumili.

Una rito, katumbas ng mahigit sa P30,000 o $700 ang pinakamahal na ticket sa Pacquiao-Margarito fight.

Ibinebenta rin ang mga tickets sa halagang $500, $300, $200, $100 kung saan ang pinakamura ay nasa $50.

Noong nakaraang Marso, naitala ng Manny Pacquiao vs. Joshua Clottey bout ang “third largest indoor crowd” sa US boxing event, kung saan kabuuang 50,994 spectators ang nagsiksikan sa Cowboys Stadium.

Target ngayon ng Top Rank na higitan ang nasabing numero sa darating na Nobyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply