Tigang sa sex, nakakakanser – Sen. Pia

INAMIN  ng isang babaeng senador na nanganganib na madapuan ng sakit na kanser ang isang kabaro kung kulang o kapos sa sex.

Sinabi ito kamakailan ni Sen. Pia Cayetano, chairwoman ng Senate committee on health and demography matapos ang isang “dibdibang debatehan” kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III hinggil sa isinusulong nitong reproductive health bill sa Senado.

Sa pagtatanong ni Sotto, inusisa ng senador kung dumadapo ang breast cancer  sa may-asawang babae na aktibo sa sex o sa matandang  babae na tigang sa sex.

Nahihiya mang makipagdebate, sinabi ni Cayetano na may lumabas nang pag-aaral na ang mga babaeng madalang o matagal nang hindi nakaranas ng pakikipagtalik sa lalake ay dinadapuan ng breast cancer.

“The study shows that nuns have a higher rate,”paglalahad ni Cayetano.

“So you mean to say that women with less sexual activity…with no sexual activity seem to have a higher prevalent of breast cancer?”pasundot na tanong ni Sotto na kinumpirma naman ng senadora.

Sa kabila nito, ibeberipika pa rin ng health committee ang katotohanan sa nasabing report na ang hindi pakikipagtalik ng isang babae sa matagal na panahon ay nakakapagdulot ng kanser sa dibdib.

Ngunit kahit walang kapiling sa buhay, maaaring makaiwas pa rin sa kanser ang mga babaeng tigang sa pamamagitan ng sarilingpag-eksamin sa katawan.

“If we try to do self examination everyday or once a week and if we have annual check-ups with a doctor then it could be prevented,”paglalahad naman ni Sen. Loren Legarda.

Nakakatulong din umano ang pagpapasuso para hindi madapuan ng kanser ang isang babaeng may anak.  Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply