Tindahang binubuksan pa lang hinoldap na

MAAGANG kamalasan ang sinapit ng isang tindahan sa Maynila na nagbubukas pa lamang nang holdapin ito ng mga armadong  kalalakihan.

Natangay ng mga suspek ang kinita ng Irish Industrial Sale, na matatagpuan sa no. 667 T. Alonzo st. ng nasabing lungsod, ng nakaraang araw na nagkakahalaga ng P80,000.

Sa ulat ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, sinabi ng may-ari ng tindahan na si Jomard Lawrence, 24, dakong 6:20 ng umaga nang tutukan siya ng baril ng tatlong hindi nakilalang kalalakihan na inakala nitong mamimili.

Nagulat ang biktima nang makita na armado ng kalibre .45 at Uzi ang mga suspek saka siya hinodap at makaraan ay mabilis na tumakas ang mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply