Tindero patay sa resbak

BINURDAHAN ng saksak ang isang tindero na agad nitong ikinamatay makaraang matiyempuhan ng dating kaaway habang naglalakad sa Brgy. Sta Cruz 2, Dasmarinas City, Cavite.

Sa ulat mula kay Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Welmor Walker, 45 taong gulang, may asawa, tindero at nakatira sa Blk. J-12, Lot 3, nasabing barangay.

Mabilis namang nadakip ng pulisya ang suspek na nakilalang si Alfredo Maborao, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Christina Padul, dakong 2:00 ng madaling araw, nang makita ng suspek ang biktima.

Kaagad na binunot ng suspek ang dala nitong balisong na may habang siyam na pulgada at inundayan nang sunod-sunod na saksak ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Namatay din ang biktima at dinala ang bangkay nito sa Cavite PNPCL upang sumailalim sa awtopsiya, habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban sa suspek. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply