Tinedyer natusta sa kuryente

KAAGAD na namatay ang isang teenager makaraang aksidenteng makuryente sa isang high voltage live wire habang naglalakad, kamakalawa ng hapon,  sa Indang Tagaytay Road, Brgy. Cerca,  Indang, Cavite City.

Batay sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay kinilalang si Erwin Biado, 15 anyos, binata at nakatira sa Brgy. Asis 3, Mendez,  ng nasabing lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Dexter Anadilla, bandang 1:35 ng hapon, nang ipagbigay-alam ni Renita Romen. 30, businesswoman at residente ng Brgy. Kayambog, sa himpilan ng pulisya na may isang bangkay ng lalaki ang nakahandusay sa nasabing lugar.

Nabatid mula kay Jerome Alcaraz, 10 anyos,  naglalakad sila pauwi sa bahay nang aksidenteng mahawakan ng biktima ang isang bukas na high voltage wire na agad nitong ikinamatay. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply