Tomboy na iniwanan ng nobya naglason

WINAKASAN ng isang tomboy ang sariling buhay matapos uminom ng lason nang makipaghiwalay ang nobya nito, sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Maria Theresa Gregori, 22, ng Salmon st., Dagat-dagatan, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:00 kamakalawa ng tanghali nang uminom ng silver cleaning solution ang biktima sa loob ng kanilang bahay na naging dahilan upang dalhin sa naturang pagamutan.

Nabatid na hindi matanggap ng biktima ang pakikipaghiwalay ng  nobya na hindi na nakuha ang tunay na pangalan. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply