Toni Gonzaga, unang type ni Robin Padilla

AYON sa aming source na taga-Star Cinema kaya pala hindi natuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Robin Padilla at Toni Gonzaga, ay sa totoong dahilan na gusto pala ni Robin na maging sila ni Toni Gonzaga at kapag gumawa raw sila ng pelikula ay doon na nila pag-uusapan.

Pero nakalimutan yata ni Robin na may boyfriend na si Toni at pinalaki siya ng mga magulang niya  na may takot sa Diyos at higit sa lahat, hindi pumapatol si Toni sa may asawa’t mga anak na.

Sa aming opinion, kaya nasira ang pagkakaibigan nina Mariel Rodriguez at Toni ay dahil kay Robin.

Kasi nga naman kundi dumating si Robin sa buhay ni Mariel ay hindi masisira ang pagkakaibigan ng dalawa na nauwi pa sa awayan.

Ang dapat kina Mariel at Robin ay manahimik na lamang at huwag na silang magdamay ng mga taong mabubuti at may takot sa Diyos. Marami na rin naging babae sa showbiz si Robin at open naman ang kanyang lovelife sa industriya.

MGA ALIPORES NI GERMAN MORENO, NAKAPAGPAMALAS SA BUHAY NIYA

Talagang sadyang kinawawa na si German Moreno ng GMA 7 dahil umaga na kung magsimula ang kanyang show na Walang Tulugan with The Mastershowman.

Wala na kasing dating sa GMA 7 si Kuya Germs unlike noong mga 90s na talagang malakas na malakas ang kanyang mga show.

May mga anay pa na nakapaligid sa host na ito na mas mayabang pa yata sa kanilang amo kaya tuloy nadadamay sa karma na inaabot nila. Wala na nga silang commercial load.  Mabuti nga,  mayayabang kasi!

*************

Ang Juan for All, All for Juan, Sugod Bahay sa Barangay na hatid sa inyo ng Coke ay tuwa ang hatid sa mga nabibisitang mga barangay nina Wally at Jose. Katakot-  takot na pera ang ipinamimigay nila sa nasabing portion at  kapag araw naman ng Sabado ay nakakatuwa at nakakaaliw ang Bulagaan. Kaya tutok lagi sa Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 lang po! Gary P. Sta. Ana

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply