Trabahador ginilitan sa leeg ng bayaw

NALIGO sa dugo ang isang trabahador matapos itong gilitan at pagsasakin ng kanyang bayaw sa loob ng bahay na pinagtatrabahuhan nito sa Brgy San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Democrito Liton, stay-in worker sa Vineyard Subdivision sa nasabing lugar.

Ang bayaw naman nito na kasamahan rin sa trabaho ay nakilalang si Rolly Faller, isa ring stay-in worker.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Rez Alovera, ganap na 7: 30 ng umaga nang may natanggap silang report hinggil sa natagpuang duguang lalaki sa nabanggit na lugar.

Sa pahayag ng isa pang katrabaho ng biktima na si Francisco Bernardo, 57, dakong alas-siyete ng umaga nang pumasok siya sa trabaho. Dumating siya na sarado pa ang bahay kaya’t binuksan niya ito. Ang duguang katawan ng biktima na may gilit sa leeg at tadtad ng saksak sa buong katawan ang umano’y tumambad sa kanya. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply