Trike driver niratrat, todas

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek habang naglalakad papauwi.

Sa ulat na natanggap ni Cavite Provincial Director Senior Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay nakilalang si Marlon Obero, 27, binata, tricycle driver at nakatira sa Brgy. Purok 9, Bacao 2, General Trias, Cavite.

Hindi nakilala ang suspek, na mabilis na nakatakas tangay ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit sa pamamaslang.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Brendo Llanda, dakong 12:30 ng tanghali, habang papauwi ang biktima at ilang hakbang na lamang bago makarating sa kanilang tahanan nang sumulpot ang supek na nag-aabang sa kanya.

Sunod-sunod na pinaputukan ng suspek ang bitkima. Nang duguang bumagsak si Obero ay mabilis na tumakas ang suspek.

Nagtamo ng tama ng mga bala sa katawan ang biktima, na mabilis na isinugod sa Divine Grace Medical Center.

Sa kasamaang palad, idineklara si Obero na “dead on arrival.”

Wala pang maibigay na motibo ang pulisya hinggil sa pangyayari.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan sa suspek. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply