Trillanes aarborin ng Senado sa RTC

PERSONAL na makikipagpulong si Senate President Juan Ponce Enrile sa hukom ng Makati Regional Trial Court upang hilingin ang kustodiya ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Senado na siyang nakapaloob sa isang resolusyon na nilagdaan ng 17 senador.

Nilinaw ni Enrile na hindi nanghihimasok ang Senado sa kaso ni Trillanes na kasalukuyang dinidinig sa naturang korte bagkus pakikiusapan ang hukom upang makadalo ang senador sa sesyon at pagdinig sa Senado.

“I’m going to make an appointment with the judge and discuss it with him without intruding into the domain  of judicial process. As head of the Senate, will do that informally, and  when he says no, then I will respect him,” ayon kay Enrile.

Sakaling pumayag ang korte, hihimukin nito ang mga abogado ni Trillanes na maghain ng mosyon at hayaan ang husgado na maglabas ng kapasyahan at limitasyon sa senador.

“He can say, well, you cannot deliver privilege speeches, you cannot have interviews or press conferences,  or you cannot do this, you cannot do that. You cannot go out outside the building of the senate. In other words, the whole situation is in the hands of the court,” dagdag ni Enrile.

Nabatid na 16 na senador ang pumirma sa isang resolusyon na nagnanais na isailalim sa kustodiya ng Senado si Trillanes upang magampanan nito ang kanyang trabaho bilang halal na senador.

Nabatid na simula noong 2003 ay nakakulong na ang senador sa Camp Aguinaldo  dahil sa pagkakasangkot sa Oakwood mutiny. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply