Trish Roque nililigawan ni PNoy; Isabel Oli, itinanggi si James Yap

GULAT na gulat daw ang dating child star at ngayon ay TV reporter na si Patricia Ann Roque nang  mabalitang siya ang bagong ‘apple of the eye’ ni President Noynoy Aquino.

Wala raw namang sinasabi sa kanya ang presidente. Saka pumutok lamang daw ito matapos mabalitang hiwalay na sina Noynoy at Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

In fact, pareho raw silang ‘no comment’ ang sagot pag tinatanong ng press. Pero nakikita nang nakikipag-holding hands si Shalani kay Valenzuela Mayor Gatchalian, na kasabayan din ni PNoy sa Kamara noong kongresista pa lamang siya.

Sabi ni Roque, hindi niya malaman kung saan at paano lumabas ang intrigang ito. Ni hindi pa raw niya nakakaharap ng personal ang presidente, at lalong hindi pa niya ito nakakausap.

Aniya, ang huling pagkakataong nag-cover siya ng events ng Pangulo ay noong unang linggo nito sa Malacañang.

Sinabi na rin ni President Aquino na hindi rin niya matandaan kung nagkita na sila ng TV reporter.

Samantala, nilinaw ni Kapuso star Isabel Oli na hindi totoo ang intrigang nakita silang magkasama ni James Yap sa isang mall. Hindi rin umano siya palaging nanonood ng PBA games.

Pero totoo raw na nagkita sila ni James Yap sa isang mall. Ang hindi naibalita, may  kasama siyang ibang lalaking non-showbiz na siya talaga niyang ka-date nang magkita sila ni James sa mall. Ang laki-laking lalaki raw ng kanyang kasama at nagtataka siya kung bakit hindi ito nakita ng mga tao.

Magkakilala nga raw sila ng mister ni Kris Aquino, kaya normal lang na magbatian sila kapag nagkikita saan mang lugar.

Bukod daw sa nakakahiya ang lumabas na balita ay naaawa na raw siya sa PBA star. Lahat na lamang daw kasi ng babae ay iniuugnay dito.

Pero kahit pa raw sila intrigahin mananatili pa rin silang magkaibigan dahil pareho silang Bisaya.

Basta hindi raw naman niya inililihim na isang taon na siyang may steady date.

Kung tungkol naman daw sa panonood niya sa PBA, may free pass daw si Isabel sa PBA game dahil ang kapatid niya ay nagtatrabaho sa kompanya na may team sa PBA.

JUDAY GUSTONG SUNDAN AGAD SI LUCHO

Apat na araw ang inirekomenda ng mga doktor na pananatili sa ospital ang aktres na si Judy Ann Santos matapos manganak kahit sa totoo lang, mas gusto ni Juday na sa bahay na lamang magpagaling.

Sa totoo lang, masakit pa raw ang tahi ni Juday pero naglalakad na ito. Sabi naman ng ina ni Juday na si Mommy Carol, kahit ilang araw pa lang naisisilang si Baby Lucho, humihirit na ang aktres na sundan ang anak nila ni Ryan Agoncillo.

Hindi raw kasi ito nahirapang manganak kaya gusto ni Judy Ann na sundan agad si Lucho.

Pero kontra dito si Mommy Carol. Oo nga naman. Mas nabuting maalagaan muna ni Juday kahit isang taon ang kanilang anak para makapaghinga sandali ang kanyanmg matris.

Nagdesisyon nga raw si Juday na hindi muna kukuha ng yaya, at hihinto muna siya sa pagtatrabaho sa loob ng isang taon para maasikasong mabuti ang anak. Very good, Juday! Very good!

Sa Nobyembre na ang pribadong binyag ni Baby Lucho kung saan apat lang ang ninong at ninang. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply