Tsikboy nagbigti dahil sa 2 nobya

DAHIL sa bigat ng problema sa dalawang kasintahan kaya bumigay ang katinuan ng isang obrero makaraang kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan nang pagbigti, sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Elizher Pembulat, nasa hustong gulang, binata, stay-in sa construction site na matatagpuan sa 52 Mendez st., Brgy. Baesa. ay natagpuan na nakabitin ng kasamahang si Darwin del Castillo, sa itaas ng kisame ng comfort room.

Sa ulat ni PO3 Modestino Juanson, bago nangyari ang insidente ka-text ng biktima ang dalawa nitong nobya kung saan may problema sa kanilang relasyon.

Kailan man hindi sumagi sa isipan ng mga kasamahan ng biktima na gagawin ng kanilang kasamahan ang magpatiwakal.

Lumilitaw sa pagsisiyasat, bandang 11:30 ng umaga habang papasok ng CR si Del Castillo ay tumambad sa harapan niya ang biktima habang nakabitin sa kisame.

Mabilis na kinalag ni Del Castillo ang tali sa kisame saka itinakbo sa Quezon City General Hospital ang biktima ngunit nasawi rin habang sinisikap ng mga doktor na isalba ang buhay nito. James De Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply