Tsino sabit sa droga

SINAMPAHAN kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang Chinese national ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002 makaraang lumabas sa resulta ng pagsusuri na shabu nga ang nakumpiska dito.

Nahuli ang suspek sa isang buy-bust operation noong nakaraang linggo sa lungsod ng Maynila.

Sa naantalang ulat na inilabas ng Public Information Office ng NCRPO, dinakip ng mga tauhan ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU) sa Mayhaligue st., Sta Cruz, Maynila noong nakaraang Oktubre 14 si Weng Bing Lim,  31, tubong Fujian, China.

Nakumpiska mula kay Lim ang may 1.5 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6 milyon, dalawang cellular phone na ginagamit sa iligal na transaksiyon at ang markadong salapi na ginamit ng mga operatiba sa operasyon.

Kinumpiska rin ng mga tauhan ni Chief Insp. Rene de Jesus ang isang Toyota Fortuner na walang plate number na pag-aari ng suspek.

Kaagad namang dinala ng mga tauhan ng RPIOU sa Manila Police District Crime Laboratory ang mga nakumpiskang shabu upang doon isagawa ang pagsusuri.

Walang piyansang inirekomenda si Assistant City Prosecutor Maria Roma Flora Ortiz ng Manila Prosecutors Office para kay Lim matapos sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale, Dispensation, Delivery)  at Section 11 (Possession) ng RA 9165. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply