Tsinoy binira ng karnaper

ISANG Tsinoy ang nabiktima ng mga carnapper matapos tangayin ng huli ang motorsiklo ng biktima na nakaparada sa harapan ng kanyang bahay sa Navotas City.

Ang biktima, na agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya upang ipaalam ang pagkawala ng kanyang motorsiklo, ay nakilalang si Alexander Lim, 42, ng Blk. 26, Lot 36, Banak st., Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Kaugnay nito, patuloy na  nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Edwin Guzman,  dakong 10:05 ng gabi nang madiskubreng nawawala ang motorsiklo ng biktima. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply