Tsinoy nanlaban sa holdaper, kritikal

PINAGSASAKSAK ng tatlong holdaper ang negosyanteng Tsinoy na nagtangkang manlaban at natangayan ng mahigit isang milyong piso sa Pasay City.

Kaagad isinugod sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Donne Dizon Chan, 29, ng 105 Gen. Luna st.,  matapos humandusay sa harapan ng Galleria Mall, Taft Avenue Extension, sanhi ng tinamong tatlong tama ng saksak sa katawan.

Nadakip ng mga tauhan ni Pasay City police chief Senior Supt. Napoleon Cuaton ang isa sa suspek na si Melchol Beloda, 31, ng Bacawan st., Bo. Sto. Nino sa ginawang follow-up operation. Nakatakas ang dalawang suspek, kabilang ang isang nakilala sa pangalang Rainier Advincula.

Batay sa ulat, patungo sa Galleria Mall ang biktima dala ang P120,000 cash  upang mamakyaw ng mga kalakal, sakay ng isang  tricycle nang harangin ng mga suspek dakong 6:15 ng gabi. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply