Tumaya sa karera ng kabayo, kinadyot

NASA malubhang kalagayan ang dalawang lalaki nang pagsasaksakin sila ng isang grupo ng kalalakihan habang nanonood ng tayaan sa karera ng kabayo sa Tondo, Maynila.

Ang mga biktima na sumasailalim sa surgical operation sa Ospital ng Tondo ay nakilalang sina  Reynaldo Castillo, 53, may-asawa, vendor, at Eduardo Legaspi, 57, may-asawa, driver, dahil sa tinamong saksak sa katawan. Tinutugis naman ang mga di-nakilalang suspek matapos tumakas na armado ng patalim.

Sa report ni Supt. Ernesto Barlam, dakong 9:10 ng gabi nang naganap ang insidente sa isang betting station sa Dagupan ext., Tondo.

Nanonood ang mga biktima at iba pang tao habang inaabangan ang resulta sa telebisyon nang sugurin sila at pagsasaksakin ng mga suspek na armado ng patalim. Jocelyn Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply