Tuwid na landas

ANG kalalabasan ng halalang SBSK ngayon ay magiging mati-bay na batayan kung ang pang-kalahatang botanteng Pinoy ay handa na nga bang sumabay kay Pangulong BSAIII sa pagtahak ng TUWID NA LANDAS tungo sa PAGBABAGO at KAUNLARAN.

Bagama’t kumpirmado ang VOTE-BUYING/VOTE-SELLING sa buong kapuluan, umaasa pa rin tayong mananaig ang KATINUAN sa mga botanteng Filipino.

Today, let’s make the difference!

Sa araw na to, mga Bok, ay damdamin natin ang DIGNIDAD at ang DAKILA sa ating pagkatao. Pass na muna tayo sa tukso ng salapi, at ialay natin ang halalang ito para sa PANGMATAGALANG tunay na serbisyo sa barangay.

Isaisip at isadibdib natin ang panawagan ni Kal. Jesse M. Robredo ng DILG: “Let us seize the  opportunity  offered  by  the October 25 barangay elections to choose and elect officials, most especially Punong Barangays (Barangay Chairmen), whose ideals and program platforms are in sync with current thrusts of the national government which are  involvement in governance.”

Ang tunay na nakataya sa halalan ngayon ay ang adbokasya ni P-Noy na sinakyan ng nakararami noong May 10 elections – PAGTAHAK NG TUWID NA LANDAS tungo sa pagbabago at kaunlaran.

Sa pamamagitan lang ng mga matitino at kapableng barangay official maisusulong nang matagumpay ang krusadang good gover-nance ng Pangulo.

Sa paniwala nating ang EDUKASYON ang pinakamahalagang ligasiya natin sa ating mga anak, masigasig tayo sa pagpapaaral sa kanila sa high school/kolehiyo.

Kaya lang, isang bayan tayong IPOKRITO dahil hindi natin sinusunod ang mga tinuturo sa ating mga anak sa eskwelahan tulad ng GOOD VALUES/VIRTUES. Bagkus, naguguluhan at nalilito sila sa mga ipinamamalas nating halimbawa sa kanila tuwing eleksiyon: ang PAGBEBENTA ng ating mga dapat sana’y sagradong boto.

Ngayong araw, mga Bok, ay hinahamon kayo ng Rapidfire na magbago. Para sa ikabubuti ng ating mga kanayunan/kabarangayan at sa kinabukasan ng ating mga anak.

-o0o-

Binabati nga pala ng Rapidfire si Bb. Anna Katrina “Kat” Abe-jar, ng Brgy. San Jose, Mandaluyong City.

This very charming 20 year-old, 4th year BS-SPED (at Miriam College) lass is a rare specimen of a colegiala. Dahil, imbes na sosyalan at useless na kaekekan ng mga kabataan ang inaatupag niya, she derives extreme sense of fulfillment in rendering any form of service/assistance to her kabarangays, especially the youth. Kat is truly her dad’s daughter. Butihing anak siya ng ating kaibigang si G. Jake Abejar at kasamahan sa pagsusulong sa buong bansa ng adbokasyang good governance.

Talagang “Barangay Ang Sikat Kay Kagawad Kat!”

Keep it up, young lady.!  Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply