UFC: Bisping handa na sa title shot

Kumpiyansa si British mixed martial arts (MMA) fighter Michael “The Count” Bisping na handa na siya sa isang title shot matapos niyang wasakin ang malakas at matibay na si Yoshihiro Akiyama sa Ultimate Fighting Championship (UFC) 120 kahapon.

“Ultimately it’s up to the UFC, but I feel like I’m really maturing, and everything is coming together,” ani Bisping. “I’m ready. I feel now is my time. I want to fight the best out there, and I think with one more win against a credible opponent, I should get a title shot.”

Binigyan ni Bisping ang  fans ng masaya at magandang laban sa main event na ginanap sa O2 Arena sa London.

Nilamon niya ng buhay si Yoshihiro Akiyama at sa huli ay tinanghal siyang panalo via unanimous decision upang ma-imprub ang kanyang record sa 21-3.

Medyo tinamaan siya ng matitinding suntok sa first round subalit ng tumagal ang laban ay lumabas na ang kanyang galing at pagiging agresibo.

Dahil sa panalo, maaring makasagupa ni Bisping si UFC welterweight champion Anderson “The Spider” Silva.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply