Umiwas sa STI’s: Panggigigil pigilan

ITINUTURING na kakulangan sa kamalayan, lifestyle at social stigma ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng sexually transmitted infections (STIs) ayon sa medical experts mula sa PSVI, Dr. Marcellano Cruz at Dr. Francisca Roa sa press conference ukol sa STIs.

MAHILIG ka ba sa ‘one-night-stand’ o ‘quickie sex’? Na hindi makapagpigil sa iyong panggigigil?
Doble  ingat  amigos, amigas, baka hindi mo namamalayan na nahawa ka na ng ‘sexually transmitted infection (STI) o ‘sexually transmitted disease (STD) o nakapanghahawa ka pa sa iba.

Baka naman nakararamdam ka na ng pangangati sa iyong ari na akala mo tila may  kuto o binabalakubak lang.  Ilan lang ito sa mga palatandaan ng STIs ayon sa experts.

Kung ang lifestyle mo ay ang tinatawag na ‘promiscous’ (nakikipagtalik sa mahigit sa isang partner) at nagdududa ka sa kapareha mo, huwag nang magpatumpik-tumpik pa, magpatingin ka na sa doctor bago tuluyang mauwi sa kanser o mahuli ang lahat.

Madalas na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa mga taong mahigit isa ang partner at yung mayroon na nito.  Ang masakit pa, maraming mga kaso  ang hindi nakikita o ‘asymptomatic’ at nakahahawa nang hindi namamalayan na siya’y ‘infected’ na nito.

Ilan sa paraan ng STIs ay pwedeng mula sa ari ng lalaki sa pwerta ng babae, mula sa ari ng lalaki sa pwet (karaniwan sa mga bakla) at mula sa bibig sa ari ng babae man o lalaki.  Makukuha din ito sa simpleng  pagkuskos o pagdampi ng bahaging apektado ng STIs.

Sa isang lipunan gaya ng Pilipinas, maituturing na ‘social stigma’ (nahihiyang pag-usapan ang mga sakit na may kinalaman sa pagtatalik), kulang sa kamalayan (awareness) at lifestyle ang mga dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga kaso nito.

Dahil sa pangamba na pandirihan, layuan at laitin ng mga taong nakapaligid.

Mataas ang insidente ng STIs  sa bansa subalit halos kalahati lamang sa stadistika nito ang naiuulat.
Mas pinipili ng iba na manahimik at ‘mag-self medicate’ kesa kumunsulta sa mga eksperto, ayon kay Dr. Francisca Roa ng Philippine Society of Venereologists, Inc., (PSVI).

“STIs are major cause of morbidity in the Philippines and although data is currently limited, the incidence of STI is believed to be higher that what is actually reported,” ani Roa.

Sa 100 naiuulat na kaso ng STI, posibleng ganito rin aniya kadami ang hindi naire-report.

Ang urethritis, genital warts, genital herpes at gonorrhea ay mga karaniwang uri ng STIs na mataas ang panganib na magkaroon ng impeksiyon ng HIV at ‘human pappilomavirus’ (HPV) kung tuluyang mapababayaan.  Nakahahawa at nakamamatay ito.

Ang HPV ay impeksyon ng pagkakaroon ng genital warts (kulugo) sa babae man o lalake; cervical, vulvar at vaginal cancers sa kababaihan;  anal at penile cancers sa kalalakihan.  “HIV, on the other hand, can lead to AIDS,” ani Roa.

Sa talaan ng PSVI, 12 kababaihang Pilipino ang namamatay dahil sa cervical cancer kada araw at patuloy na lumulobo bagama’t ito ay pwedeng maiwasan (preventable) at nagagamot kung maaagapan.

“Curable/preventable”

Ayon kay Roa, sa gamutan ng STIs, mas epektibo ang magpabakuna.  “They are saying that it could be lifetime although ang study kasi ay until 7 years yung follow-up o length of observation,” ani Dr. Roa sa isang panayam.

“Before you have the infection, you are given the protection.  So yung na-vaccinate halimbawa nung 2002, tinitingnan nila yan.  And so far protected pa rin sila until now.”

“Kaya nga nobody knows yet or nobody would know na…the protection is for life from the vaccine.  The study is still early and the maximum observation is about 7 years.  Some of them were given a booster on the 5th year…nag-rise up ulit ung anti-bodies nila…ibig sabihin yung memories nandiyan…”

“Yung genital herpes  and HPV once you have it you have it for life…..”

“Ang syphilis ay kapwa nakahahawa sa lalaki at babae.  Posibleng mahawa din ang batang ipinagbubuntis ng isang ina na may infection nito.  “May mother-to-child transmission and then the child is born with congenital syphilis.”

“Yung gonohrea naman pwede magkaroon ng sterility, kasi it’s infection eh…it’s nana…yung ‘tulo’ na sinasabi ….so it can block your reproductive tubes and then caused sterility, ectopic pregnancy kasi hindi nakakapunta yung fertilized egg sa uterus.  Along the way nababara siya kaya nagkakaroon ng ectopic pregnancy (pagbubuntis sa labas ng matres).”

“Sa gonorhea naman, ang passage nito yung mga genital warts (kulugo) na makikita sa penis,  vagina (ari ng babae) , sa loob ng puwet (kadalasan sa mga bakla) at sa cervix.”

Nauuwi ito sa penal at cervical cancer kapag mahina ang immune system ng isang biktima nito.

Hindi lahat ay warts ay nakikita o ito ang tinatawag na “sub-clinical” dahil nasa loob ng cervix.  “Some people after infection it developed the warts…ngayon yung iba kung maganda ang immune system hindi ito tutubo…nandiyan lang sa iyo…then pwedeng bumalik kapag bumaba ang resistensiya.  Ganyan lang ang genital warts.  Hindi rin lahat ng genital warts ay cancerous.”

Minsan ‘skin-to-skin’ ang transmission o pagkahawa ng genital warts parang ordinaryong kulugo.  “It’s a common infection.”

“What we are seeing is just the tip of the iceberg….may sinasabing sub-clinical which constitutes major part of the infection…wala kang nakikita pero infectious yung pasyente…pwede siyang makahawa….74 percent of genital warts are sub-clinical.. ..yun ang problema dun….ibig sabihin di alam ng pasyente.”

Ang paggamit ng condom ay nakatutulong din subali’t hindi ito ‘fully protective’ dahil limitado lamang ang bahaging nababalutan sa ari ng lalaki partikular ang ‘scrotum.’

“Sex in the City”

Ito ang tema ng katatapos na 9th biennial convention sa pangunguna ng Philippine Society of Venereologists, Incorporated (PSVI) at suportado ng  global healthcare leader,  MSD (Merck Sharp & Dohme).

Itinampok  ditto ang  pinakahuling stadistika na may kaugnayan sa kalagayan ng STIs sa bansa at mga gabay kung paano makaiiwas dito.

“We have always been keen on supporting these types of key initiatives that seriously aim to raise the quality of health and life of Filipinos.  In this case, we share PSVIs commitment in fighting the spread of STIs, especially HPV which is potentially fatal, highy communicable, but ultimately preventable infection,” ayon kay Marq Marquez, MSD product manager.

Nabatid na nasa 32-milyun sa buong mundo ang apektadong indibiduwal ng ‘genital warts’ kada taon.  Sa datos ng US, nasa 50 porsyento ng sexually active ang nagkakaroon ng HPV.

Ipinakita naman sa local na datos ng Department of Health (DOH) na lumobo sa 87 porsyento ang kaso ng HIV sa bansa nitong Hulyo 2010.  Nasa 131 mga indibiduwal ang napatunayang positibo sa HIV.

“To date, there have been 5,364 HIV cases since the country’s first reported case in 1984, with the annual totals steadily increasing every year,” base sa report ng naturang convention.

Sa talaan ng PSVI, mga kabataan mula 18-24 ang age group na kabilang sa mga may kaso ng  STIs base sa Sentinel STI Etiologic Surveillance System noong  2004.

Karamihang apektado ay kalalakihan na masasabing mas ‘adventurous’,  ‘sexually active’ kesa sa kababaihan at hindi kuntento sa isang partner lamang.  Nakaaalarma din ang pinakabagong pag-aaral ang pagtaas ng insidente ng STIs sa mga nagtatrabaho sa call centers.

“We don’t have to wait to be another Africa,” ayon kay Dr. Gilbert C. Yang,  director, PSVI board.

Layunin ng PSVI na isulong ang mataas na pamantayan ng pangkalusugan sa pag-iwas at pagkontrol ng STIs kasama ang HIV/AIDS.

Paano maiiwasan ang STIs?

“Filipinos should take their sexual health more seriously. “With the prevalence of STI cases in the country even among adolescents, it is important to spread awareness on how these infections are acquired and how best to prevent and treat them,” payo ni Dr. Roa.

“More of education and high index of suspicion…kung ang lifestsyle mo ay ‘promiscuous’, you better check.  May sorology (blood testing) naman.”

Dapat na maalarma na kung nakararamdam ng medyo masakit sa pag-ihi o mahapdi, yellowish or reddish discharge, at paisa-isang pagtubo ng genital warts. “You should see your obstetrician and go for your regular pap smear tests.”.

Higit sa lahat, ang pinakamabisang pag-iwas sa STIs at pagbawas ng panganib sa pagkakaroon ng impeksiyon ay ang ‘complete abstinence from body and fluid contact’ o pagpipigil sa panggigigil, ayon kay Dr. yang.

Ang pagiging tapat aniya sa iyong kapareha ay tiyak na nakababawas sa panganib ng pagkakaroon ng STIs.

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa genital warts at paano ang makaiwas dito, kumunsulta sa doktor at mag-log on sa www.helpfighthpv.com. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply