Unahan ng Top-3 sa 4-1 a PBA

Tatlong team na pawang nangunguna sa 10-team standings sa PBA Philippine Cup ang sasabak sa Big Dome ngayong hapon tungo sa pananatili nito sa top position.

Ang San Miguel, Alaska at ang Talk’n Text ay sasabak na layuning makopo ang tuktok ng line-ups.

Ang Alaska Aces ay pinusoy ng Air21 Express noong Sabado para sa una nilang talo habang ang Tropang Texters ay nasingitan ng Rain or Shine, 95-93 noong Oktubre 20 samantalang ang Beermen ay nilango ng Talk’n Text 97-83 noong Oktubre 16.

Susubukan ng Powerade na makuha ang pangatlong panalo laban sa Texters tungo sa pagpatatag sa 2-2 slate sa pangunguna nina Gary David, Dennis Espino, Mark Macapagal at ng bagong recruit na si Jai Reyes samantalang ang Alaska at ang San Miguel ay maghaharap sa double header na main game sa Araneta coliseum. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply