Undas ‘bebendisyunan’ ng langit

MAKARARANAS ng pag-ulan ngayong araw na ito (Nov. 1) ang paggunita ng All Saints Day sa ilang bahagi ng bansa ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa tiyak na makararanas ng pag-ulan,pagkulog at pagkidlat ang ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao kabilang na ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa inaasahang papalapit na low pressure area (LPA) sa bansa.

Sinabi ni Benjie de Paz weather observer ng Pagasa,maliban sa namataang papalapit na LPA dahil na rin sa intertropical convergence zone  (ITCZ) na siyang nakakaapekto sa weather system ang siyang maaaring dahilan ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

“Dahil na rin sa namataang papalapit na low pressure area (LPA) ang siyang maaaring maging dahilan ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao,”  wika ni  de Paz. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply