Undas at katarungan sa kalendaryo

SA KALENDARYO ng simbahang katolika, ang Nobyembre 1 ang All Saints’ Day at ang Nobyembre 2 ang All Souls’ Day – o araw ng mga patay. Subalit sa maraming lugar sa bansa, nakararami ang dumadalaw sa kani-kanilang patay tuwing Nobyembre 1.

Bunga marahil ng praktis na ito kung kaya’t ang Nobyembre 2 ngayong taon (bukas, Martes) ay idineklara ng Malacanang bilang regular working day.

Tuwing araw ng patay o Undas, ‘di maiwasang gunitain ang napakarami nang nasawi sa karahasan sa pulitika, salvage, kidnapan/hostage, nakawan, rape, senseless gang/frat wars –  name it and you have it. Ang siste, napakalaking porsyento ng mga insidenteng ito ang nauuwi lang sa kawalan dahil madalas na hindi matagumpay ang pag-uusig sa mga pinaghihinalaan bunga ng kawalan ng mga testigo dahil takot sa resbak/kawalan ng proteksiyon sa kanilang buhay, at kawalan/kahinaan ng mga ebidensya.

Kaya sa amin sa Masbate,  kinalakihan ko na ang UNSOLVED MURDERS mula noong mga dekada ’50-’60 at nadadagdagan pa araw-araw. Ganundin ang araw-araw na kaganapan sa Maguindanao, Abra, Sulu at iba pa.

Kung totoo nga lang ang panini-wala ng mga nananampalatayang Katoliko na tuwing Undas, ang mga kaluluwa ng ating mga patay ay andyan lang sa gitna natin at nakikihalubilo sa lahat, di malayong ang lahat na naging biktima ng mga karahasan ay nagra-rally ngayon, at ang sinisigaw ay kung kailan magkakaroon ng katarungan.

Dahan-dahang masasagot ang katarungang yan kung palalakasin ng Estado ang hukuman, prose-cution, kapulisan at witness Protection Program. And here, the executive  and  judicial  branches  of  the government should work hand-in-hand, instead of fighting in public. Isang magandang paraan ang pagdadagdag ng sahod ng ating mga huwes, piskal, hukom at kapulisan. Dapat ding sumuporta  ang simbahan at pamilyang Pinoy sa polisiya sa peace and order.

Katahimikan at seguridad ng mamamayan  ang sentro ng general welfare clause (Sec. 16)  ng RA 7160 (Local Government Code). Ito dapat ang nasa-isip ng mga pinu-nong lokal at mga kasamahan niya sa serbisyo, elective man o appointive, dahil ito ang mandato ng batas sa bawat isa sa kanila (Macasiano vs. Diokno, 212 SCRA 464).

Nabalitaan ng Rapidfire na  marami na namang ‘human collateral damage’ sa mga bata-bata ng mga nagtutunggaling mga pulitiko sa Masbate, noong nakaraang barangay election. Ano ba naman tayo, mga Bok! Wala na ba talaga tayong pagkasawa sa mga pa-tayan at related incidence of violence? Aba’y TANTANAN NAMAN NINYO ang lalawigan natin! Papaano tayo uunlad nito? Papaano gagawi sa atin ang mga turista at kapitalista kung KRIMEN ang naghihintay sa kanila na kapaligiran? Esep-esep naman para sa KINABUKASAN ng ating mga anak! Palagay ko, kayo ang nirarali ng mga kaibigang kaluluwa ngayong Undas! Alex Almario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply