Undas babantayan ng mga pulis-NCRPO

MARIING inatasan ng National Capital Region Police Office (NRCPO) Director Chief Supt. Nicanor  Bartolome ang lahat ng kapulisan ng Metro Manila upang paghandaan ang pagbabantay sa nalalapit na Undas, partikular ang mga petsang Oktubre 31 at Nobyembre 1.

Ayon kay Bartolome, hihigpitan nila ang seguridad sa Kamaynilaan, kung saan inaasahang dadagsa ang milyun-milyong mamamayan sa ilang malalaking libingan sa Metro Manila.

Batay sa kautusan ni PNP chief Director General Raul Bacalzo ang pagbabantay sa ilang malalaking sementeryo, partikular ang North Cementry na siyang pinakamalaking libingan sa Maynila.

Ipagbabawal din sa mga libingan ang pagdadala ng  alak at mga “deadly weapon” upang maiwasan ang karahasan.

Magpapakalat ng mahigit sa limang libong kapulisan ang NCRPO at ilang mga sniffing bomb dog sa ilang piling sementeryo, na posibleng target ng masasamang loob. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply