US swimmer nalunod, patay

Natagpuan na ang labi ng U.S. national swimming team member na si Fran Crippen, dalawang oras matapos itong napaulat na nawawala.

Ang 26-anyos na swimmer ay kalahok sa FINA Open Water 10-kilometer World Cup sa Fujairah, Dubai.

Ayon sa report, hindi na umano natapos ng biktima ang karera at pagkalipas ng dalawang oras, natagpuan ang bangkay nito na palutang-lutang sa tubig.

“We send our condolences and deepest sympathies to the Crippen family as well as to our entire swimming community. While details of this tragedy are still forthcoming, we shall keep this outstanding young athlete and his family in our thoughts and prayers,” ayon sa liham ng U.S. Olympic Committee.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply