Usaping barangay

PATULOY ang ating pagsubaybay sa mga tatakbong kandidato para sa darating na barangay eleksiyon, lalo na sa amin diyan sa Brgy. San Andres, Cainta Rizal.

Muling umaarangkada si tserman Ferrer para kunin ulit ang simpatiya ng mga bumoto sa kanya noon. Ngunit ang reklamo ng mga taga-Felix ay wala raw itong nagawa sa aming barangay.

Komo taga-floodway ay iyon daw ang inasikaso nang husto at napabayaan ang Sitio Kiko at Parola.

Naririyan din si Jacob (parang sa Bibliya, ah) na nais din makopo ang pagiging kapitan.

Sino ba siya? Parang hindi ko naririnig ang pangalan ng mamang ito at bigla ko na lang nakita ang kanyang mga nakadikit na poster?

Susubukan naman ni Daddy Bert Sicat ang kanyang itinatagong bertud kung gumagana pa sa kasalukuyan. Kahit may edad na, kayang-kaya pa raw nitong itayo ang dapat itayo!

Ang dudumi ng isip ninyo! Ang ibig kong sabihin, kaya pa niyang itayo ang paglilingkod sa aming barangay!

Katulad ng aking nasabi noong sa ating kolum, na tanging si Sicat ang nasubaybayan natin sa paglilingkod bilang barangay kapitan, matapos palitan niya ang yumaong si Primitibo “ Ka Tiboy” Manaloto,

Nasaksihan naman natin ang maayos niyang pamamalakad at hindi pagpapabaya sa tungkulin.

Nang maupo na si Ferrer ay nawala na tayo sa lugar na iyon at mahaba-haba ring taon tayong namayagpag sa kung saan-saan, at sa ating pagbabalik…barangay eleksiyon na naman.

Bahala na ang ating mga kabarangay kung sino ang kanilang dadalhin pero mas maganda ay pag-isipan na muna nang makailang beses kung ano ang pangalan na ilalagda sa balota.

Ang isa naman na ating nakikita na may dedikasyon para maging kagawad diyan  walang iba kundi itong si Mac Robert Bolo. Magmula pa sa pagkabata ay kilala na natin ang kabaitan nito at may maayos na record sa pamumuhay.

Samantalang kahapon, may isang ungas na kagawad ang nagsabi sa atin na dalhin daw natin siya sa eleksiyon. Ulol sa hindi lang ulol ang lintek at inuutusan pa tayo na isulat daw natin siya sa pahayagan.

Ang gago, akala mo ay binabayaran tayo kung mag-utos!

Wala kang nagawa sa barangay na ‘yan sa panunungkulan mo at panay ka kayabangan!

Mahiya ka sa sarili mo at mag-tricycle ka na lang! Bobo!

Kaya para sa ating mga kabarangay, kilalanin ninyo ang mga dapat maglingkod sa atin at hindi ‘yung panay pananamantala lang sa tungkulin ang gagawin!

12 PULIS BINIGYANG PARANGAL

Binabati naman natin sina Sr. Insp. Arnel Esmaña, SPO1 Guillermo Ramos, PO3 Albert Juanillo, PO1 Danilo Malana at PO1 Richard Colobong na nakahuli sa kilabot na holdaper na si Dennis Mejia. Pinarangalan din sina Insp. Ernesto Palting, SPO1 Lunbell Casungcad, SPO1 Rondante Javier, PO3 Marvin San Juan, PO2 Samuel Sonny Garcia, PO1 Romeo Lanada at PO1 Bryan Ong na nakahuli naman sa tauhan ng Navotas City Police na si PO2 Harold Young na kinasuhan ng live-in partner nito dahil sa pananakit.

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold1127612@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply