Usisero sa away tinarakan

NASA kritikal na kalagayan ang isang binata matapos masaksak dahil sa pag-uusisa sa nagaganap na rambulan sa Caloocan City. Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Clauz Capistrano, 20, ng Phase 10B, Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lang sa alyas Sonny Boy Guatis at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-tres ng madaling araw ay nagrarambulan ang dalawang magkalabang tropa nang lumapit ang biktima para mag-usisa.

Nagtanong pa ang biktima sa pinsan ng suspek kung ano ang nangyayari kaya inakala ni Guatis na kasama ang una sa kalabang grupo. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply