Vendor patay sa saksak

NASAWI ang isang vendor sa harapan ng kanilang tahanan matapos saksakin sa dibdib ng isang lalaki, kamakalawa ng  madaling araw, sa Northbay Boulevard North, Navotas  City.

Ang biktima na namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ay nakilalang si Ronaldo Manaluz Villanueva, 38, may asawa, at residente ng 29 J, Lacson st., Bgy. NBBN ng nasabing lungsod.

Agarang inatasan ni Chief Supt. Bernard Tambaoan ang kanyang mga tauhan sa agarang ikadarakip ng suspek na si Renz  Lagutin, residente ng Espina st., Bangkulasi, ng naturang lugar.

Batay  sa  imbestigasyon ni PO1 Tristan de Lara, dakong alas-4:00 kamakalawa ng madaling araw nang maganap ang insidente, sa harapan mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa saksing si Carmelita Mortega, 37, nakita niyang nakikipag-usap ang biktima sa kanyang kapitbahay nang dumating si Renz na lango sa alak at tinarakan sa dibdib ang biktima  ng  walong pulgadang kitchen knife, na inikot pa nang ilang besess bago iniwang nakabaon ang nasabing patalim sa dibdib ng sinaksak.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos na dumating ang ilang usisero  habang  ang biktima ay dinala sa nasabing pagamutan subalit binawian din ng buhay.

Sinasabi na ang  suspek ay nagtanim ng galit sa biktima dahil sa pagiging  salbahe nito sa kanliang lugar. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply