Vendors sa Baclaran mamamayagpag muli

MAMAMAYAGPAG na naman ang mga sidewalk vendors sa Baclaran makaraang pagtibayin ng Sangguniang Panlungsod ng Parañaque ang ordinansang magbibigay-pahintulot na magkaroon ng tiangge na tinaguriang Agro Industiral Fair.

Isang popular na kahilingan ang dahilan kaya ginawa ang pag-amyenda sa dati ng ordinansa na ipinasa noon pang taong 2003 kung saan pinahihintulutan ang pagkakaroon ng Christmas Agro Industrial Fair sa kahabaan ng Redemptorist Road, sa Brgy. Baclaran mula Oktubre 1 hanggang Enero 6 taun-taon.

Gayunman, sa ilalim ng bagong ordinansa na may bilang 10-12 Series of 2010, pinahihintulutan ang pagkakaroon ng tiangge hindi na sa Redemptorist Road kundi sa mga bangketa ng mga tertiary road tulad ng Service Road ng Roxas Blvd. mula Rivera st. hanggang hangganan ng mga siyudad ng Pasay at Parañaque; b) Opeña st. mula Service Rd. hanggang G.G. Cruz st; c)Bayanihan from Service Rd. up to G.G. Cruz st; d) G.G. Cruz mula Opeña st. hanggang Redemptorist Rd; e) Dr. J. Gabriel mula Redemptorist Fathers Rd. hanggang Aguarra st; at f) Lt. Garcia mula Redemptorist Rd. hanggang Aguarra.

Magsisilbi naman bilang chairman ng naturang pa-tiangge si Mayor Florencio Bernabe, Jr habang mga miyembro ng kanyang City Administrator, isang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, isang mabuting mamamayan ng Brgy Baclaran, isang kinatawan ng barangay council at isang kinatawan sa grupo o samahan ng mga vendors. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply