Venus Raj, umaasang liligawan ni Willi Revillame

PWEDENG isiping sobra ang pagiging assuming ni Venus Raj na liligawan siya ni Willie Revillame kapag nagkasama na sila sa bagong bubuksang programa ng TV host sa Kapatid Network ngayong October 23, ang Wiling Willie.  Hindi natin masisisi ang Ms Universe 4th runner-up kung mag-isip siya ng ganito dahil alam naman ng lahat na maraming babaing na-link sa TV host kaya posibleng liligawan din siya.

Pagdating naman sa pagiging co-host niya sa bagong show ni Willie ay inamin nitong wala pang katiyakan ang lahat dahil kailangan ipagpaalam siya sa Bb Pilipinas Charities dahil nakakontrata siya dito ng isang taon.  Kung siya ang tatanungin ay talagang gusto niyang mapasama sa nasabing bagong show dahil hilig nito ang mag-host.

Tungkol naman sa pag-aartista, “Oh yeah, I love acting, I wish magiging artista din ako.  Pero hindi ‘ata ako bagay maging bida but mas feel ko ang character role dahil dito mo masusubukan ang talent mo bilang isang artista.  Yun bang ang amo ng iyong mukha pero kakainisan ka dahil masungit ka, I think, it’s the best achievement na makukuha mo ang emotion ng tao sa iyong pag-arte.”

MO TWISTER, ANOTHER JOEY DE LEON IN THE MAKING

Inamin ni Mo Twister na hindi madali sa kanya ang kanyang pinaggagawang showbiz reporting dahil bilang isang male reporter, direct to the point ang kanyang reporting na kakaiba sa pagrereport ng mga bading na may halong tsika.  Bilang reporters at dahil na rin sa pagiging totoo nito sa pag-uulat ay maraming nagagalit sa kanya at may ilang tinatawag siyang ‘big mouth.’

Kung hindi lang nito iniidolo si Joey de Leon at maging katulad siya sa komedyanteng host sa darating na panahon ay matagal na siyang umalis sa showbiz. Kakaiba daw ang karisma ni Joey dahil kahit nagre-report ito tungkol sa showbiz at nagkokomedya ay nakakakuha siya ng respeto sa mga manonood.

Kaya lang nitong nakaraang Thursday episode ng Juicy ay wala talaga siyang kadala-dala dahil iniimbitahan nito si John Lloyd Cruz maglaro ng basketball. Hindi siguro nito naisip na posibleng magkaroon ng part two ang balitang pamimisikal sa kanya ni Luis Alandy nang naglaro sila ng basketball dulot ng sama ng loob sa ‘laglag boy?’

Bago lang siguro nito alam na may sama ng loob sa kanya si John Lloyd na nag-ugat umano sa laglagan ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi.  Aniya, “Natataon palagi kapag tumatawag si John Lloyd na nandun ako dahil kasama ko sa taping si Ruffa.  Hindi naman palaging sinasagot ni Ruffa si John Lloyd, kung minsan denededma nga niya ito,” paliwanag ni Mo.

Blind Item:

AKTRES, ITINULAK ANG ISANG PHOTOGRAPHER

Hindi pa rin nawawala ang pagkamaldita ng magandang aktres na ito.  Mantakin mo bang bigla nitong isinalya ang camera flash na hawak-hawak ng isang photographer habang bumababa sa stage.  Nakakalokah, dala-dala pa rin ng aktres ang kanyang pagiging mahadera at talagang walang pinipiling lugar.  Nangyari ang pagtulak nito sa isang protographer sa event ng isang TV show at marami ang nakakita dahil sa isang mall ito naganap.

Ang eksena ayon sa aming source, pababa umano ang aktres mula sa stage pagkatapos ng interview sa kanya ng mga host.  Sa hindi inaasahang pangyayari ay tumama ang flash ng camera sa kanyang noo kaya agad daw nitong itinulak ang photographer na nakaharang sa kanyang dadaanan.  Tsk, tsk …Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply