VFA ibabasura ng Senado

MULING  binuhay ng isang senador ang panukalang ibasura kaagad ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pamamagitan ng isang joint resolution na pinagtibay ng Kongreso alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago na kahit ikinokonsidera ni Pangulong  Aquino na magkaroon ng kaunting “refinements” sa kontrobersiyal na tratado, maaari pang buwagin ito ng Kongreso kahit walang aprubal sa Executive Department.

Tugon ito ni  Santiago sa ulat na ipinadala ni Pangulong Aquino kay US Ambassador Harry Thomas Jr., ang isang plano na magkaroon ng “pagpipino” sa VFA upang maging mas mahusay ang tratado.

“The House of Representatives has already filed their own version of my resolution to terminate the VFA. What we need now is a public hearing and the approval of both houses of Congress. The chairs of the foreign relations committees of both houses should therefore prioritize these resolutions,”  wika ni Santiago.

Inihain ni Santiago ang Joint Resolution No. 3 na nagpapahayag ng damdamin ng Kongreso na ibasura ang VFA at inaatasan ang kalihim ng Kagawarang Panlabas na ibigay ang notice of termination sa United States.

May  katulad na House Joint Resolution No.7 ang inihain sa House of Representatives ng militanteng kongresista.

Sinabi ni Santiago na hindi na kailangan ang pagkilos ng Pangulo upang ibasura ang VFA dahil mas may kapangyarihan dito ang Kongreso sa katuwiran na ang isang tratado ay bahagi ng batas ng bansa.

“The Constitution states that the country adopts the generally accepted principles of international law as part of the law of the land. I humbly submit that, just like any other law, it is within the powers of Congress to unilaterally terminate the VFA through a joint resolution. The Executive’s role is to give notice of termination to the United States, although the decision itself is one for Congress to make,” giit ni Santiago.
Base sa VFA, maaaring ibasura ang tratado sa loob ng 180 araw kung magbibigay ng patalastas ang magkabilang panig sa pamamagitan ng isang liham na naglalayong tapusin ang kasunduan.

Tinukoy pa ni Santiago na hindi kinikilala ng US ang VFA bilang isang tratado dahil hindi naabisuhan ang US Congress at walang pagtugon sa VFA. Isinumite lamang ng US president ang VFA sa US Congress tulad ng iba pang Executive agreement. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply