VFA tuloy pero rerebyuhin – Palasyo

PAPLANTSAHIN ng administrasyong Aquino ang RP-US Visiting Forces Agreement (VFA) upang makuha ng Pilipinas ang higit pang benepisyo mula sa kasunduan ng dalawang bansa.

Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., hinulma ang VFA bilang isang “mutually beneficial agreement” na tutugon sa interes ng parehong bansa.

“The President, however, believes that a review is necessary because we must evaluate whether we are getting the most out of the VFA so our people are not short-changed,” ani Ochoa, isa mga tagapangulo ng komisyong binuo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III upang pag-aralan ang isyu ng VFA.

Sinabi ng “little President” na sisilipin ng komisyon ang mga epekto ng nasabing kasunduan matapos masubukan ito sa loob ng mahabang panahon.

“It has been over a decade since the VFA was ratified, and we have over ten years’ worth of experience with regard to the implementation of the agreement to serve as bases for a thorough and objective assessment of its costs and benefits,” paliwanag ni Ochoa.

Ang VFA na niratipika noong 1999 ang nagsisilbing balangkas sa pakikitungo sa mga bumibisitang puwersang Amerikano at gabay rin sa pagpasok at paglabas ng mga naturang tropa sa bansa.

Noong Oktubre 1, inisyu ni Pangulong Aquino ang Executive Order (E.O.) No. 9 na nag-amyenda sa E.0. 67 na inilabas noong Enero 2002.

Binuo ng kautusan ang komisyon sa VFA at itinalaga ang Executive Secretary bilang tagapangulo at sina Foreign Secretary Alberto G. Romulo at Defense Secretary Voltaire T. Gazmin bilang mga kapwa tagapangulo.  Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply