Vhong Navarro, imbiyerna kay Toni Gonzaga

INIS at imbiyerna si Vhong Navarro sa kanyang co-star sa Kokey na si Toni Gonzaga dahil ipinagkakalat nito na may dyowaers na raw itong BFF ni Toni.

Hindi makapaniwala si Vhong na magagawa na itsismis siya ni Toni sa kanilang mga friendship. Nakarating sa kaalaman ni Vhong na gravecious na daw ang pagkalat ng pagkakaroon nito ng gf.

At ang kakaloka pa ay hindi naman daw artista ang gf na apple of the eye nitong si Vhong ayon pa sa tsika ni Toni.

Ang gf daw ngayon ni Vhong ay itong writer ng kanilang pelikula na ginawa nila na magkasama sila, ang My Only You.

Kahit nga raw pilit na sinisekreto ni Vhong ang gf na writer ay buking na buking na daw ito sa lahat ng taga- showbiz.

Ang tanong naman ng aming tsismosang kapitbahay bakit need na itago ni Vhong ang kanyang bagong gf.

Sa kampo ni Vhong hindi nito nagustuhan ang pagkakalat nitong si Toni na mayroon na siyang gf.

Kaya naman sa teyping daw ng Kokey @ Ako ay nagdededmahan daw ang dalawa dahil na rin sa pagkakalat ni Toni ng tunay na estado ng lovelife ni Vhong.

‘Yun na!

JOVIT BALDOVINO, EXCITED SA FIRST CONCERT

Matindi naman ang kasiyahan nitong si Jovit Baldovino, ang grand champ sa Pilipinas Got Talent.

After manalo sa nasabing contest ay kabi- kabila na ang guesting ni Jovit, bukod pa sa guesting ay marami din siyang booking sa Metro Manila at out-of-town shows.

Gravecious naman daw ang kasiyahan ni Jovit na nagpasikat lalo sa kanyang version na Too Much Love Will Kill You na halos lahat ng FM ay ini-air ang nasabing panlaban na awitin ni Jovit sa PGT.

Yes, sa darating na November ay magkakaroon na ng first major concert si Jovit at hindi sa maliit na venue kundi sa ALIW theater lang ito gagawin.

Lalong tumindi ang nerbiyos at excitement nitong si Jovit dahil ilang araw na linggo na lang ay nalalapit na ang kanyang big concert.

Suportado ng malalaking bituin ang nasabing first major concert ni Jovit, okey naman at proud si Jovit kung aattend sina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas sa kanyang concert.

Siyempre bukod naman sa To Much Love Will Kill You ay aawitin din ni Jovit ang isa pa na klik na kanyang inawit na Faithfully.

Kaya pinipili na raw ang line up ng kakantahin ni Jovit sa kanyang nalalapit na concert sa November.

Inaasahan na magiging blockbuster at dudumugin ng maraming tao ang kauna-unahang concert na ito ni Jovit.

Abangan!  Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply