Vic Sotto okay lang kasama si Willie Revillame
TUWANG-tuwa si Bossing Vic (Sotto) nang humarap sa entertainment press dahil number one show agad sa kanyang timeslot ang bagong show niya sa TV 5 na “LoL” (Laugh or Loose) nu’ng Sabado .
Ang “LoL” ay 30.9 % audience share, ang “MMK” ng ABS-CBN ay 27.1% at ang “Kaya ng Powers” at “Jejemom” ng GMA ay nag-average ng 26.8% at 23.4 % respectively.
Ani Bossing Vic, itong game show ay tawanan, no money involved ang mapapanalunan dito ay kasiyahan at tawanan. Dito masusukat ang galing sa pagkokomedi.
Ang comic duo na sina Jose Manalo and Wally Bayola ang “tricksters” na maghahasik ng katatawanan sa game show.
At sa darating na mga araw, mayru’ng mga comedian na magge-guest. At bibigyan din ng pagkakataon ang mga baguhang komedyante.
Maituturing ni Bossing na lucky charm ang dalawa. Sa husay nilang magpatawa wala ka nang hahanapin pa.
Bukod dito maganda ang vibes at ang kemistri ng dalawa. Malaki ang naitutulong ng dalawa sa mga proyekto na ginagawa niya tulad sa “Eat Bulaga” lalo na sa portion ng “Juan for all, all for Juan”; sa “My Darling Aswang” sa TV5 at sa mga pelikula ni Bossing Vic.
Nasa TV 5 na rin si Willie Revillame, may pagkakataon kaya na magsama sina Bossing Vic at Willie sa isang programa.
Ani Bossing, sundalo lang sila, kung ano ang sasabihin ng namumuno, susunod lang sila.
Mayroon ba silang hidwaan ni Willie?
Ayon sa mahusay na TV host/comedian, personally wala talaga.
“Baka siya mayroon” ang makahulugang tugon ni Bossing Vic.
Sina Joey de Leon at Willie?
Anumang namagitan sa dalawa ay isang friendly competition.
OKEY ANG LOVELIFE NI BOSSING, KASALAN MALABO PA
Kumusta ang lovelife ni Vic Sotto?
“Ayos naman. Walang problema!”
Kailan kaya ang kasalan?
Ngiti na lang si Bossing Vic.
Maituturing bang mother studio ni Bossing ang Kapatid Network?
Aniya, puwedeng kasama sa lahat. Wala siyang kinikilingan. Okey siya sa lahat at sa studios.
Mahirap ang exclu-exclusive. Alinman network, hindi exclusive si Vic Sotto.
Ang importante part siya sa alinman network sa success nito (network). Okey na siya.
Yes, ang hit international franchise “Laugh and you Loose” ay nasa ‘Pinas na bilang “Laugh or Loose” (LoL) na napapanood na TV 5. Ang comedy capital ang kauna-unahang mag-eere ng “LoL” matapos ang mainit na pagtanggap sa show sa Norway.
Habang niluluto pa ang engrandeng pagbabalik ng “Who Wants to Be Millionaire?” sa susunod na season, kakabagan ka naman sa katatawa tuwing Sabado ng gabi kasama si Bossing Vic Sotto sa “LoL”.
“Sa comedy showdown na ’to, ang tumawa ay siyang talo. Ang tanong: kaya nyo bang pigilan ’yan kapag sina Jose at Wally na ang nagpatawa?” patawang babala ni Bossing.
Linggo-linggo, pamumunuan nina Jose at Wally ang dalawang nag-uumpugang team para patawanin ang kalaban. Bawat grupo ay may 50 miyembrong kailangan pigilin ang tawa para manalo. Sa oras na mapatawa o mapangiti ang isang miyembro ng kabilang grupo, isang smiley point agad ang makukuha ng kalabang grupo.
Habang tumatagal ang laban, pabawas nang pabawas din ang mga miyembro ng bawat grupo.
Kailangan matagalan ng team ang limang round na walang tawanan—“Laff ur Enemies,”
“Acting-ngaling-ngaling,” “Laff a Dub Dub,” “Tag-a-Tawa,” at “Laugh in a Box”—para tanghaling panalo.
Siguradong gugulong ka sa katatawa kasama sina Bossing at tricksters na sina Jose at Wally sa “LoL”. Ang variety-game show director na si Bert de Leon ang magdidirek ng programa at line-produce ng M-Zet Productions.
Walang makakalagpas sa hagupit ng katatawanan habang pigil na pigil ang mga manlalaro na matawa sa “LoL” tuwing Linggo, 7PM sa Weekend Winners ng TV5.
Samantala, ang TV5 na ang bagong number 1 network ng Saturday Primetime!
Ayon sa huling ratings ng AGB-Nielsen (Megatam Individuals) ng Saturday mula 6pm-10pm, ang audience share ng TV 5 ay 32.0% pumapangalawa ang GMA na may 29.6% at pangatlo ang ABS-CBN na may 23.1%
OooO
Ngayong Huwebes, Oct. 14 sa “Face to Face” , isang bangayan at mayru’ng konting aksyon sa episode na “Wanted dahil sa utang!” Ang Trio Tagapayo ay sina Atty. Kristine Kay David, Dr. Rose Llanes at Fr. Gerry Tapiador
Isang heavy drama at maintrigang episode ngayong Biyernes, Oct. 15, “Nang dahil sa inyo, namatay ang anak ko! Pati mga apo ko, pinabayaan mo!” Ang Trio Tagapayo ay sina Atty. Meizelle Antonio, Dr. Rose Llanes at Fr. Sonny Merida.
Ang “Face To Face” ay hosted by Amy Perez. Mapapanood bago mag-Juicy” sa TV5. Joe Cezar
You must be logged in to post a comment Login