Vic Sotto: Wala kaming kinikilingan, Kapuso, Kapatid, Kapamilya pati Kapitbahay

SINABI ni Vic Sotto na wala naman siyang problema kay Willie Revillame at friendly competition lang ang nangyayari sa kanilang grupo sa Eat Bulaga at sa kontrobersiyal na TV host ng pinakabagong sisimulang show sa TV5, ang Willing Willie.

“Wala naman, wala naman kaming… I mean, personally, wala naman kaming problema kay Willie. Baka siya, may problema sa akin, pero ako wala,” nakangiting saad ni Bossing Vic sa set ng bago nilang game show nina Jose Manalo at Wally Bayola na Laugh or Lose (LoL) na napapanood tuwing Sabado, 7 p.m. sa Weekend Winners ng TV5.

“Ano lang iyon eh, noong araw, friendly competition. Wala ‘yun,” dagdag pa niya.

Nang usisain namin ang magaling na komedyante kung may posibilidad ba na magkasama sila sa isang show ni Willie sa TV5 since pareho naman silang parte ng Kapatid Network, may halong comedy ang naging tugon niya.

“Sa isang show? I don’t know. Kung mayroon bang magandang show na puwede naming pagsamahan, eh.” Tapos ay sabay sundot ng one-liner na, “Showbiz…”

Okay lang din kay Vic sakaling magkasama sila ni Willie sa Station ID ng TV5 dahil kapwa naman sila kabilang sa roster of stars nito at ayon kay Bossing, “Kung sasabihan ba kami ng management eh. Sabi nga ni Joey (de Leon) kami ay mga sundalo lamang at susunod kami.”

Nang sundutin pa namin kung itinuturing ba niyang second home ang TV5 since dalawa ang show niya rito (LOL at May Darling Aswang) o ito ang mas maituturing niyang unang tahanan kaysa GMA-7 dahil dahil isa lang (Eat Bulaga) ang show niya roon, ito ang naging sagot niya:

“Ang home namin, kami nina Pareng Joey (de Leon), nina Tito (Sotto), ni Jose, kung sinong may… Ibig sabihin, kami’y puwedeng makisama sa lahat—Kapuso, Kapamilya, Kapatid, pati kapitbahay. Wala kaming kinikilingan. I can safely say that we are okay with everyone, all the stations.

“Dapat sana ganoon, eh. Mahirap ‘yung exclusive-exclusive. Although kasama sa competition ‘yun, pero as far as we’re concerned, hindi kami exclusive sa any network. Hanggat maaari, if we’ve been part of a network, part kami ng success, eh, ayos na sa amin iyon.”

Samantala, humataw agad ang pilot episode ng Laugh or Lose at nanguna ito sa ratings sa kanyang time slot. Ang LOL ay nakakuha ng audience share na 30.9%, sumunod ang MMK sa rating na 27.1% at ang Kaya ng Powers at Jejemon na kulelat sa tatlong network with 26.8% at 23.4% ratings respectively.

Kaya naman tuwang-tuwa si Bossing Vic sa balitang ito. “Salamat, salamat ng marami sa lahat ng nanood. It’s a different kind of game show, ang game show na ang premyo ay tawanan. No money involved, walang prizes na pinag-aawayan kundi kasiyahan at tawanan. Tapos, dito makikita ang galing sa komedya ng aking mga kasama, sina Jose at Wally.”

* * *

Ibang level na talaga ang Eat Bulaga. Bukod kasi sa pagbibigay nila ng sandamakmak na papremyo, pag-asa, at walang kaparis na ligaya sa maraming Pinoy tuwing tanghali sa loob ng higit nang 31 taon, ngayon naman ay may proyekto silang nakatutulong na sa mga mag-aaral ay sadyang kapaki-pakinabang pa sa ating environment.

Ito ay sa patok na patok na segment nilang Juan for All, All For Juan with Jose Manalo at Wally Bayola. Dito ay hinihingan nila ng anumang plastic na puwedeng i-recycle ang aabot sa 150 contestants, pati na rin ang mga residente ng bawat lugar na sinusugod nila upang mamudmod na napakaraming biyaya at papremyo sa mga kababayan natin.

Totoo naman na ang mga plastic pati na ang mga cellophane o plastic bags sa mga supermarket at department store ay isa sa dahilan ng baha dahil bumabara ito sa ating mga estero at karamihan ay non-biodegradable pa. Pero ang Eat Bulaga ay naka-isip na tumulong para solusyunan ito at makapagbigay ayuda pa sa mga mag-aaral natin.

Kokolektahin kasi nila ang mga plastic na ito at gagawing silya.

Saturday (Oct. 8) lang nagsimula ang kapuri-puring proyektong ito ng Eat Bulaga pero as of Tuesday (Oct. 12), apat na silya na agad ang nagawa o na-recycle nila mula sa mga plastic na kanilang nakolekta.

Although hindi ito ang first time na nagkaroon ang EB ng project na tumutulong sa mga kababayan natin. Dahil kailan lang ay nagpagawa sila ng mga classroom at pagkatapos naman ay namudmod ng mga school supplies sa mga nangangailangan.

Sa kabuuan, kapuri-puri at dapat saluduhan ang proyektong ito ng Eat Bulaga. Isa ito sa dahilan kung bakit isa nang institusyon sa TV industry ang Eat Bulaga dahil isa itong TV show na bukod sa naghahatid ng walang katulad na saya mula Aparri hanggang Jolo, ito’y isang TV show na talagang may katuturan. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply