Vietnam trip ‘importante’

MAHALAGA  ang biyahe ni Pangulong  Aquino  sa Vietnam para dumalo sa 17th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.

Sa  departure message ng Chief Executive, sinabi nito na bilang Pangulo ng bansa ay tungkulin niyang pagbutihin ang ugnayan ng Pilipinas sa mga kapitbahay sa Asia region.

Aniya, maliban sa Asean Summit, magkakaroon din ito ng bilateral meeting kina Vietnam President Nguyen Min Triet, Prime Minister Nguyen Tan Dung at Secretary General Nong Duc Manh.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na ang Vietnam ay maituturing na strategic partner ng Pilipinas sa nakalipas na 34 taon.

Sa naturang biyahe ay nakatakdang saksihan ng Pangulong Aquino ang paglagda ng apat na kasunduan partikular sa usapin ng edukasyon, defense at maritime affairs.

“As I did in my recent visit to the United State, I intend to send the message loud and clear to our friends overseas that the Philippines is once again open for business, as a responsible and dynamic member of the community of nations,” wika ni  Pangulong Aquino.

Kasama ng Pangulo sa biyahe ang 52 delegasyon na kinabibilangan nina Communications Sec. Ricky Carandang, Trade Sec. Gregorio Domingo, CHED chairman Patricia Licuanan at Defense Sec. Voltaire Gazmin na nauna nang lumipad kahapon. Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply