Visayas inapi sa budget, maga-alsa

HAHARANGIN ng mga kongresista mula sa Visayas ang deliberasyon ng badyet para sa susunod na taon hangga’t hindi naipaliliwanag ang anila’y hindi pantay na pamumudmod ng pondo.

Kahapon ay ikinagulat ng liderato ng Kamara ang mosyon ni House Deputy Speaker at Cebu Rep. Pablo Garcia na itigil ang marathon session kung saan tinatalakay sa plenaryo ang 2011 General Appropriations Act (GAA) dahil agrabiyado aniya ang Region 6, 7 at 8.

Mismong si House Speaker Feliciano Belmonte ang nagpakalma kay Garcia at iba pang kongresista mula sa Visayas na nagpakita ng pagkagalit dahil sa kabuuang P1.6 Trilyon na badyet ng bansa para sa 2011 ay 7.7 porciento lamang ang mapupunta sa nabanggit na mga rehiyon.

Mapupunta naman sa Mindanao ang 10 porciento ng kabuuang GAA at 16.3 porciento sa Luzon.

Ipinaliwanag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na nagkasundo ang may 54 kongresista sa Kabisayaan na harangin ang deliberasyon sa badyet hangga’t walang malinaw na paliwanag ukol dito si Belmonte at maging ang Department of Budget and Management.

” Hangga’t hindi ito naipaliliwanag sa amin ay hindi kami papayag na magkaroon ng deliberasyon sa 2011 GAA. Kung itutuloy man nila ay kukwestyunin namin ang korum. All we want is an explanation on this loopsided budget,” giit pa ni Evardone.

Kinukwestyon din ng mga kongresista sa Visayas na kalaunan ay sinuportahan na ng may 58 kongresista mula sa Mindanao ang napakalaking lumpsum na 62.5 porciento na tanging ang Kalihim lamang ng bawat departamento ang may diskresyon.

Sinabi naman ni Camarines Rep. Rolando Andaya, dating DBM Secretary at ngayon ay miembro ng Appropriations Committee na hindi lamang nagkaroon ng pagkakaintindihan sa alokasyon ng pondo.  Meliza  Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply