Vizconde massacre dedesisyunan na ng SC

MATAPOS ang halos dalawang dekadang pagkakabinbin ng kaso, ireresolba na ng Korte Suprema ang Vizconde massacre case base na lamang sa kung ano ang hawak na ebidensya na nai-presinta ng magkabilang panig.

Ito ay matapos na balewalain ng Mataas na Hukuman ang April 20, 2010 resolution, na pumapayag sa kahilingan ni Hubert Webb, isa sa mga pangunahing akusado para sa DNA testing at analysis ng semen specimen na nakuha mula sa rape victim na si Carmela Vizconde,  na napatay kasama ang ina nito at kapatid na si Jennifer. sa  BF Homes, Parañaque noong 1991.

Iginiit ng Korte Suprema, na ang ebidensya mula sa National Bureau of Investigation (NBI) tulad ng semen specimen, vaginal smears na nakuha mula sa bangkay ni Carmela ay hindi na mai-produce, at ang DNA  analysis ay hindi na maaaring mapagbigyan base sa nakasaad sa resolution ng Court en banc, na siya ring kinatigan ng Office of the Solicitor General sa kanilang motion for reconsideration noong Abril 20,2010 resolution.

Una nang ipinagbigay alam ng NBI sa korte na ang semen specimen, vaginal smears na nakuha sa bangkay ni Carmela at lahat ng orihinal na dokumento ng kaso ay wala na sa kanilang kustodiya, dahil naisumite na bilang ebidensya sa Parañaque City Regional Trial Court (RTC) branch 274.

Bilang sagot ng RTC na walang actual receipt ng specimen-vaginal smear ang naisumite sa kanila gayundin ng stenographic notes at ang  kanilang minarkahan bilang ebidensya o exhibits ay ang mga litrato ng tatlong slides na naglalaman ng semen specimen. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply