Vote-buying ‘wag nang ulitin – Palasyo

HINIKAYAT ng Malakanyang ang taumbayan na isumbong at ibisto sa awtoridad ang mga kandidato sa nakaraang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na namudmod ng pera kapalit ng boto.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kailangang mabigyan ng leksyon ang mga kandidatong gagawin ang lahat manatili lang sa puwesto.

“We urge voters who have information on vote-buying to report these incidents to the authorities,” ayon kay Valte.

Umapela rin ang Malakanyang sa mga mamamayan na huwag ipagbili ang kanilang boto tuwing eleksyon sapagkat kinabukasan ng kani-kanilang komunidad at ng buong bansa ang kanilang ibinebenta.  Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply