Walang pambayad sa ininom dinampot

PINAARESTO ang isang lalaki habang pinaghahanap ang kasamahan nito na nagpanggap na mayaman makaraang hindi magbayad sa ininom at ginastos sa anim na guest relation officer (GRO) kahapon ng madaling araw sa  Navotas City.

Nakapiit sa detention cell ng Navotas City Police si Randy Carbonel, 24, residente ng Fishport Complex sa nasabing lungsod, habang pinaghahanap naman ang kasamahan nito na si Jovert Pavillano, 24, ng Makati City.

Base sa nakalap na impormasyon mula sa Station Investigation Division (SID) ng Navotas City Police, ganap na ala-singko ng madaling araw, nang arestuhin si Carbonel sa loob ng JK’s Restobar na matatagpuan sa Road 10, Northbay Boulevard North.

Ayon kay PO3 Edwin Guzman, nagtungo sa naturang beerhouse sina Carbonel at Pavillano, na kumuha ng anim na GRO upang aliwin sila.

Base sa pahayag ni Ann de Lansig, manager ng club, nagyabang pa sina Pavillano sa mga ka-table na huwag mag-alala dahil sa  mayaman ang mga ito kaya walang problema kung anuman ang  oorderin ng mga babae.

Umabot ng madaling araw ang pag-inom ng mga ito at nang ibigay ang chit sa mga ito ay silang walang maibayad.

Sa puntong ito ay mabilis na tumalilis si Pavillon at naiwanan si Carvonel.

Dahil dito, napilitan si De Lansig na tumawag sa  pulisya at pinahuli ang naiwanang suspek na nahaharap sa kasong estafa. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply