Warehouse nilamon ng apoy

ISANG warehouse na pag-aari ng isang Filipino-Chinese businessman ang naabo kahapon ng madaling araw sa Navotas City matapos lamunin ng apoy dahil sa napabayaang kandila.

Base sa impormasyon mula kay Supt Felix Medez, ganap na 2:15 kahapon ng madaling araw nang magsimulang magliyab ang loob ng bodega na pag-aari ni Willy Co at matatagpuan sa San Rafael Village, ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na nagsimula ang sunog sa napabayaang kandila na ginamit dahil sa pagkawala ng kuryente sa lugar. Agad kumalat sa buong warehouse ang apoy nito.

Ayon pa sa mga arson investigator, madaling kumalat ang sunog dahil pawang mga madaling kapitan ng apoy ang laman niyon, tulad ng medyas, tuwalya, face towel at iba pang gamit na nakaimbak sa bodega.

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog, na agad naapula. Walang napaulat na nasaktan sa insidente. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply