Welga kontra RH bill pinatitigil

NAKIUSAP kahapon si Pangulong Aquino  na magkaroon muna ng kasunduan ang gobyerno at simbahan hinggil sa kontrobersyal na birth control policy.

Sinabi ni Aquino na inaasahan niya ang hidwaan dito ngunit nakatitiyak  siyang magkakaroon din ng consensus para maresolba ang isyu.

Nilinaw din ni Aquino  na hindi pa nakatitiyak ng suporta si House Minority Leader Edcel Lagman sa kanyang panukalang Reproductive Health Bill.

Pabor naman si  Lagman  sa pag-uusap  ng mga opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Pangulong  Aquino.

Nilinaw na ang RH Bill ay hindi pabor sa abortion dahil nakasaad lamang doon ang tamang family planning at ang paggamit ng mga contraceptive methods.

Plano ni Lagman na pag-isahin ang tatlong bersyon ng proposed RH Bill na inihain sa Kamara.

Ayon kay House deputy speaker at Quezon Rep. Lorenzo “Erin” Tañada, tatalakayin nila sa susunod na buwan ang naturang mga panukalang batas kabilang ang RH Bill nina Lagman, Rep. Roilo Golez at ang inihain ng Gabriela partlylist. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply