Wildcats lalaban sa “Sweet 16”

UMABANTE ang Computer Communications Development Institute Wildcat sa Regional Leg ng 2010 Philippine Collegiate Championship sa pagpapasadsad sa M.S. Enverga University ng Lucena City, 73-72 na sinundan ng 79-61 pagpapadapa sa Ateneo de Naga, Amanda Cope College, 89-54 at Bicol College-Daraga, 90-63 sa tatlong sunod-sunod na araw na sagupaan.

Sa pagwawagi ng kampeong pambato ng Sorsogon ay makakasama sila ng 12 pang team mula sa Luzon-Metro Manila zonal qualifier sa papasok na buwan.

Makakasama ng grupo ng Wildcats ang UE Warriors at NU Buldogs ng UAAP at ng Letran Knights at ng Arellano Chiefs ng NCAA.

Ang best 4-teams sa zonals ay susulong sa “Sweet 16” rounds na babanggain ng team sa varsity ng buong bansa.

Ang kasunod na regional leg ay idaraos sa Vigan City na kung saan ay magbabanggan ang mga ball teams sa North at Central Luzon tulad ng University of Northers Luzon, University of Baguio, University of Luzon at ang tatanghaling kampeon sa United Central Luzon Athletic Association na maglalaban-laban sa Oktubre 13 hanggang 18 para sa zonal berth.

Ang 3-time UAAP Champion Ateneo Blue Eagles ay pasok na sa “Sweet 16” final phase, kasama ang FEU Tamaraws at semifinalist na Adamzon at La Salle Green Archers samantalang ang NCAA ay kakatawanin ng San Beda, San Sebastian, Jose Rizal at Mapua habang ang finalist mula sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI) ay makakabilang din sa “Sweet 16” slate. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply