Williams at Isner sasabak sa Hopman Cup

KAKATAWANIN nina Serena Williams at John Isner ang United States para sa pagsipa ng Hopman Cup.

Ang team tennis-style event at tune-up para sa Australian Open ay idaraos  sa Enero at tampok dito ang mixed teams mula sa walong bansa.

Ang bawat matchup  ay katatampukan naman ng men’s singles, women’s singles at mixed doubles.

Inaasahan namang lulutang sina Serbian Novak Djokovic at Ana Ivanovic, Justine Henin ng Belgium, Australian Lleyton Hewitt at Francesca Schiavone ng Italy .

Samantala, sina Andy Roddick at John Isner ay umabanse na sa second round ng Shanghai Masters.

Umusad si Roddick matapos magkasakit si Philipp Kohlschreiber ng Germany at sumuko sa second set.

Tumigil si Kohlschreiber habang naghahabol sa 6-3, 2-1, matapos sumablay sa overhead na sinundan ng sangkterba pang palpak na tira.

Si Isner naman ay pinagpawisan muna kay Polish qualifier Lukasz Kubot 4-6, 7-6 (9), 7-6 (7) sa isang tiebreaker bago naiposte ang panalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply