Willie Revillame hinaharang ng Dos

BLIND ITEM:

DA HU naman itong sikat na male star ng isang higanteng TV network na nagkagusto sa isang seksing female extra nang minsang nag-guest siya sa isang sitcom. Panay ang kulit niya sa seksing extra sa text at niyaya niya itong mag-overnight sa Tagaytay. Ang sabi pa niya sa seksing talent na hiwalay na raw siya sa asawa niya kaya wala siyang sabit, na pinaniwalaan naman ng pobreng extra.

Pero alam ng mga taga-showbiz na very much married pa rin ang naturang sikat na male star sa non-showbiz wife nito kung saan may isa silang anak. Well sabi nga nila, boys will be boys! At sa totoo lang, ni hindi mo mahahalata ang kapilyuhan ng sikat na male star dahil sa kanyang baby face.

***

Hindi talaga nasabayan ni Willie Revillame ang opening ng bagong show ni Sharon Cuneta ng Oct. 10, 2010 (10-10-10) na Star Power. Balitang sa Oct. 23 na sisimulan ang Willing Willie sa TV5 kasi mas pinapaganda pa raw ang stage set na gagamitin sa show sa mismong TV studio ng TV5 sa Novaliches.

Dahil dito ay ‘yung ibang show ng TV5 na gumagamit ng naturang studio ay hindi na pwedeng mag-taping dito tulad ng Paparazzi kasi magiging permanente na ang magarbong set at hindi na ito babaklasin pa. Kasalukuyang sa Visual Arts Studio sa Makati ngayon nagte-taping ang Paparazzi.

Hanggang ngayon ay inaabangan ng lahat ang gagawin hakbang ng ABS-CBN. Ipapahinto ba nila sa korte ang pagpapalabas ng show ni Willie sa Oct. 23? Wala tayong magagawa kundi maghintay na lang sa mga kaganapan.

***

Ipinakilala na sa press ang pumasok na 12 Shining Stars sa Star Factor. Simula sa Sunday ay paisa-isa na lang ang mai-eliminate every week hanggang sa tanghalin na ang kauna-unahang grand winner ng Star Factor. Yes, iisa lang ang pipiliin among the 7 girls and 5 boys na natira out of the original 18.

Sa boys ay si John Uy ang napansin namin nang husto sa galing niyang magsayaw at magsalita sa harapan ng press people. He’s also very cute. Usung-uso ngayon ang kanyang Korean look!

Ngayon pa lang ay naging controversial na kaagad siya dahil siya raw ang dahilan kung bakit nag-walkout si Annabelle Rama sa show last Sunday dahil ang manok ni Bisaya na si Gabo ang napatalsik imbes na siya. Pero hindi pinersonal ni John ang ginawang pagwo-walkout ni Tita Annabelle. Rason niya, hindi naman daw sa kanya galit ang matapang na nanay ni Ruffa Gutierrez (who is the show’s host) kungdi sa kapwa Star Makers nito na siyang nag-vote out kay Gabo.

Sa boys, mukhang ang makakalaban niya ay si Christian Samson who is already known commercial model. Silang dalawa ni Christian ang pinili ng kapwa Shining Stars nila who have a great chance to be chosen the grand winner. Ang edge na nakikita niya kay Christian ay ang pagiging fresh niya dahil he has never appeared in any TV shows or commercials before Star Factor.

Sa mga babae naman, gusto namin si Christine Serrano na mala-Cristine Reyes ang kaseksihan. Nakikipagsabayan din si Eula Caballero ang ganda-ganda naman ng mukha lalo na kung lumalabas na ang kanyang dimples.

Pero pagdating sa talent ay wala nang tatalo pa kay Morisette Amon, Napakagaling niyang kumanta na mala-Charice ang dating! Kung sa Talentadong Pinoy sana siya sumali ay pwede siyang tanghaling grand winner!

Napapanood ang Star Factor tuwing Linggo 5:30pm-6:30pm bago mag-Pidol’s Wonderland. Ang mananalong grand winner ay magkakamit ng P1M cash, P1M TV5 management contract plus a 3-bedroom, 2-storey house and lot! Bongga!

Ang ibang 12 Shining Stars ay sina Nikita McElroy, Rico dela Paz, Ritz Alzul, Jazz Ocampo, Kevin Francisco, Krissha Viaje at Miguel Estenzo.  Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply