Xyriel Manabat, sabik sa pagmamahal ng ama

Talagang umaarangkada ang showbiz career ng bibang child actress na si Xyriel Manabat dahil pagkatapos ng TV series na Momay na pinagbidahan niya, kasali na rin siya sa Noah na pinagbibidahan naman ni Piolo Pascual.

Magkakasama na nga sa iisang programa ang dalawang bigating child stars ngayon na sina Xyriel at Zaijian Jaranilla. Sa pangatlong beses niyang pagpasok sa primetime block ng ABS-CBN, bibigyang buhay ni Xyriel ang karakter ni Nica, isang batang mala-‘Dennis the Menace’ ang ugali.

“Makulit po ako dito. Prankster po. Tapos mapagti-trip-an ko po si Zaijian (Jaranilla) sa kuwento, kaya rin po kami magiging friends sa story,” masayang pahayag ni Xyriel.

Ngunit, sa likod ng kakulitan ni Nica ay may lungkot na itinatago ang bata. Sabik ito sa pagmamahal ng isang pamilya na hindi naibibigay ng kanyang ama.

“Masaya po ako ulit na bumalik sa Primetime Bida at makasama po sa Noah. Tapos makakasama ko pa po si Zaijian. Friends po kasi kami,” dagdag pa ni Xyriel.

Samantala, patuloy naman ang paghataw sa ratings ang Noah. Nangunguna pa rin sa nationwide ratings results ng Kantar Media ang nasabing primetime show at hindi pa rin maungusan ng katapat nitong programang Survivor Philippines Celebrity Showdown. Nagkamit ng 31.6% ang Noah samantalang 22.3% lang ang nakuha ng katapat nitong programa sa GMA-7 noong Biyernes (September 24).

Anyway, tiyak na maraming tsikiting ang mag-aabang lalo sa Noah dahil I’m sure na nami-miss ng maraming bata si Momay. And this time, parang two-in-one ang dating sa mga bulilit na tulad ng mga anak ko, may Momay na, may Noah pa sa naiibang tandem na ito nina Zaijian at Xyriel.

*  *  *

May bago na namang endorser ang Walker underwear. Ito’y si Ahron Villena na inilunsad kamakailan bilang pinakabagong endorser ng produkto. Kasabay ng paglulunsad sa kanya ang paglulunsad din ng Walker’s latest collection.

Sadyang lumalaki na talaga ang pamilya ng Walker. Simula kina Alfred Vargas at Jericho Rosales ay naidagdag na sa kanila si Ahron. Isa ang Walker sa nangungunang manufacturer ng quality underwear. At sa tatlong dekada ng kanilang pamamayagpag, napatunayan na nilang isa sila sa paborito at tinatangkilik ng mga Pinoy.

“Ahron’s virile and boyish charm makes him one of today’s hottest multimedia personalities,” anang Walker management. “These, aside from his very active lifestyle, embraces the masculine spirit that Walker embodies. We are very proud to welcome him to the Walker family,” dagdag pa ng management.

Tuwang-tuwa naman si Ahron sa bagong achievement niyang ito na talaga namang naglaan ng dalawang taon para magkaroon ng magandang pangangatawan na tamang-tama sa pagiging endorser ng naturang produkto.

“It’s an honor for me to have been chosen to be part of the Walker legacy. It’s a title that I will definitely wear with pride,” sambit naman ni Ahron na isang Batangueño. Nonie Nicasio

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply