Yam vs Siy sa Greenhills pukpukan

MABIGAT  ang  laban ng dalawang kandidato sa pagkabarangay chairman sa Greenhills, San Juan  na sina  incumbent chairman na si Lorenzo Yam at  kapwa Tsinoy na si Jeffrey Siy.

Pinangambahan ng ilang miyembro ng Greenhills Joggers na ang tahimik na Barangay Greenhills ay nalalagay na ngayon sa kaguluhan matapos masaksihan ang ilang supporters ng incumbent chairman na tinatanggal umano ang posters at streamers ng katunggaling Siy at mga katiket niya sa pagkakagawad.

“Dismayado na kami sa pamamahala ng kasalukuyang barangay, wala halos proyekto. Ang simpleng trapiko sa Annapolis ay hindi nasu-solusyunan,” pahayag ng Greenhills Joggers.

Nagiging mainit ang labanan sa pagitan ng dalawang Tsinoy, dahil ngayon lang may tumayo upang i-challenge ang chairmanship ni Yam sa Greenhills.

Kabilang sa tiket ni Siy sa pagka-kagawad ay ang ilang sikat na personalidad gaya nina singer Rannie Raymundo; Cris Mathay, apo ni dating QC Mayor Mel Mathay;  kasama rin sina Atty. Edson Eufemio, businessman Lee de Leon, Maurice Laude, Van Co at ang incumbent SK chairwoman na si Bea de Guzman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply