Zero casualty kay Juan at mga pirata at kawatan

APRUB tayo sa wish ni PNoy na maging zero casualty tayo ngayong bagyo.

In ader words, walang dapat mamatay sa pananalasa ng bagyong Juan.

Eh sino naman ang may gustong madisgrasya sa oras ng kalamidad, aber?

Ayaw nating lahat ang  mapabilang sa 700-800 kataong natepok sa mga bagyong Ondoy at Pepeng nitong nakaraang taon.

oOo

Kaugnay ng usaping ito,  pag-aralan natin ang mga bagyong Ondoy at Pepeng.

Op kors marami ang nabigla at namalayan na lamang nilang nalulunod sila hanggang sa sila’y matuluyan.

Pero may mga hindi nabigla ngunit nalunod pa rin dahil sa ayaw nilang lumikas sa kanilang mga tinitirhan.

Ayaw nilang umalis dahil sumasalakay pala ang mga pirata at kawatan sa gitna ng mga bagyo at baha sa mga bahay ng mga nagsisilikas.

May naiulat na mga pirata sa bahagi ng Laguna de Bay gaya ng Taguig City.

Sumalakay naman ang mga kawatan sa Marikina, Cainta, Pasig, Manila,  Quezon City at Taytay, Rizal.

Naganap ang mga ito bipor, dyuring at apter sumalakay ang dalawang bagyo.

Sumalakay ang mga pirata at kawatan habang nagkakagulo ang mga biktima ng bagyo at baha sa paglikas at pananatili sa mga ebakwesyon senter o ibang lugar ng kung ilang araw at gabi o linggo o buwan.

Mapagkukuwartahan nga naman ng malaki ang mga telebisyon, DVD, bentilador, aircondition, aquarium, damit, alahas, aparador, frigidaire, gulong at accessories ng mga sasakyan, bigas, kaldero, tangke ng LPG at marami pang iba.

oOo

Ngayon gusto ng mga onorabol na maging zero casualty si Juan ngayong sumalakay na ang bagyong Juan.

Op kors, natural na gusto rin natin ito.

Pero para mangyari ito, dapat isama sa programang pangkaligtasan at paglilikas ang laban sa mga pirata at kawatan.

Wataymen, dapat ay maging aktibo ang pagpapatrulya upang mapangalagaan ang mga naiiwanang ari-arian ni Juan sa kanyang pag-eebakwit sa oras ng kalamidad.

Kung magagawa ito, wala nang malulunod, may madadatnan pang ari-arian at kabuhayan si Juan sa kanyang pagbabalik-tahanan.

Kung meron naman tayong mahuhuli na mga pirata at kawatan, sapat bang idemanda natin sila?

Pupuwede kaya nating lunurin na lang sila para hindi na sila mapamarisan?

…Aaaat mapabilang na rin sila sa mga taon-taong nalilibing nang buhay sa tuwing may bagyo at bahang dumarating.

Kadalasan naman kasing nakapagpipiyansa ang mga karahong ito at paglabas nila sa kulungan, namemerhuwisyo ulit sila.

Ipakulam o ipabarang kaya sila? Pero nasaan at sino ang mga marurunong mambarang at mangkulam?

Kung hindi pa rin uubra ang mga ito, itapon na lang sila sa Maguindanao o Basilan para makita kung ano ang mangyayari sa kanila. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply