Zero casualty –PNoy

ITO ang nais ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino o PNoy sa kasagsagan ng bagyong Juan na tumama sa Northern Luzon.

Ang bagyong Juan ay  ‘Megi’ ang international codename.  Ito’y mula sa salitang Korean na ang ibig sabihin ay hito.  Isang uri ng isdang tabang.

Kaya naman, tila halos hindi na natulog ang Pangulo at naging abala sa pagbibigay ng paalala sa mga kaukulang ahensiya para sa mga paghahanda.

Inatasan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) isang araw bago ang bagyo  na alisin ang mga naglalakihang billboard sa kahabaan ng Edsa para walang sinumang commuters o bystanders ang tatamaan nito kung tuluyang bumagsak dahil sa lakas ng hangin.

Maagap din ang National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) na sapilitang ilikas ang mga residente sa lalawigan ng Cagayan dahil karamihan sa mga bayan nito ay hinagupit ng nasabing bagyo.

Naging maagap din ang Department of Education (DepEd) sa pag-aanunsiyo ng pagsususpindi ng mga klase sa lahat ng antas sa mga lugar na apektado ng bagyo.  Samantalang sa MM, ang klase ng kindergarten at elementarya lamang ang kinansela.

Naging abala din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paghahanda ng relief goods, damit at pagkain maging ang mga paglilikasan sa mga maaapektuhan.

Naging  oras-oras naman ang pag-aanunsiyo ng ‘development’ ng bagyong Juan  sa pangunguna ng Pagasa para ganap na maihanda ang mga tao sa pinsalang posibleng idulot nito.

Ang bagyong Juan ang sinasabing pinakamalakas sa sampung  bagyong pumasok sa bansa mula noong Enero ng taong kasalukuyan ayon pa sa Pagasa.  Samantalang ang lakas ng hangin na dala nito ay maihahalintulad sa mga bagyong ‘Rosing’, ‘Anding’ at ‘Reming’ na sumalanta sa bansa noong 1995, 1981 at 2006.

Inilagay ang Cagayan sa signal Number 4 ng Pagasa.  Ayon sa ahensiya, ito na  ang pinakamalakas na bagyo na pumapalo mula 185 kph (kilometer per hour) pataas.  Samantalang nasa signal number 3 naman ang mga lalawigan ng Batanes, kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands, Apayao, Kalinga, Mt. Province , Ifugao, Quirino at Northern Auroroa.

Signal Number 2 naman sa Ilocos Sur, Norte, Abra, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya.  Nasa signal number 1 naman ang Metro Manila.

Hindi naman direktang naapektuhan ng bagyo ang MM ayon pa sa Pagasa, subalit naramdaman  ang  pagbuhos ng ulan na may kasamang malakas na paghangin.

Dahil sa mga naging maagap na paghahanda, mabibilang sa daliri ang naapektuhan, mga  imprastrakturang napinsala maging ang mga buhay na nawala kumpara noong bagyong Ondoy at Pepeng.

Nitong Hulyo ng kasalukuyang taon, umabot sa 102 katao ang namatay dahil sa bagyong Basyang.

Nangangahulugan lamang ito na natuto na ang maraming Pilipino sa larangan ng paghahanda gayundin ang gobyerno.

DISASTER CENTER ESTABLISHMENT SHOULD BE PRIORITIZED – ANGARA

As the nation is threatened by the powerful typhoon Megi, Senator Edgard Angara said that the establishment of the Disaster Science Management Center (DSMC) should be a national priority in order to better prepare the nation for the dealing with similar disasters.

According to the Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), typhoon Megi (codenamed Juan locally) is still strengthening and could bring rains like Ondoy and winds like Basyang.

“We need the DSMC to help us prepare for the typhoons and similar disasters that will continue to threaten the country.

“The government needs to be able to understand how to develop an advanced and real-time information dissemination strategy so people can better prepare to handle such events,” noted Angara.

Angara, Chair of the Congressional Commission on Science Technology and Engineering (COMSTE), noted that the DSMC is envisioned to become a regional hub for disaster science where our scientists can help prepare officials and LGU’s to handle natural calamities.

COMSTE has prioritized the creation of the DSMC and is working with the Manila Observatory (MO) to finalize proposals for its foundation. The center is set to become a training center that will focus on scenario-type learning utilizing technology for disaster mitigation and management.
Taiwan and Japan are already actively cooperating with training of local experts.

The DSMC is set to be a public-private initiative that the scientific community can use to better understand the mechanics of managing disasters with the cooperation of neighboring countries that have experienced similar storms and natural calamities as the Philippines.

Angara said that, “we need to adopt a pro-active approach in order to properly address this problem.

A scientific approach supported by extensive research has already led me to appropriate  P100M from the budget for the establishment of a
Philippine Disaster Science Center, roughly P40M of which is allocated for a proposed Disaster Science Management Center .”

Angara pointed out that a joint study by Columbia University and the World Bank entitled ‘Natural Disaster Hotspots: A Global Risk Analysis’, which identifies countries which are at high risk for six major natural hazards: earthquakes, volcanoes, landslides, floods, drought, and cyclones, has the Philippines pegged as one of riskiest countries in the world. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply