Anti-condom pa rin ang Pope, ani Bacani

ANTI-CONDOM pa rin ang Papa. Ito ang paglilinaw ng isang lider ng Simbahang Katoliko nitong Lunes matapos ang pag-ugong ng balita na kinatigan na ni Pope Benedict XVI ang paggamit ng condom.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, sinabi lamang ng Papa na may ilang mga pagkakataon o sitwasyon na ang paggamit ng condom ay maituturing na “first step towards the right moral direction.”

Ngunit hindi sinabi ng Papa na ang paggamit ng condom ang siyang “moral and real solution” sa paglaganap ng AIDS, ayon kay Bacani. Aniya, posibleng na-misquote lamang ang Papa o nag-spin ng story angle ang secular media dahil mainit ang usapin ngayon sa contraceptives at abortion.

Inihalintulad ng obispo ang pahayag ni Benedict sa paggamit ng condom sa sinabi ni Pope John Paul II na “law of gradualness”

“Sapagkat ang tao ay nagsisikap na magbalik loob sa Diyos, minsan hindi niya makuha sa minsanan kundi dahan-dahan ang pagbabalik loob niya,” paliwanag ni Bacani sa panayam sa Radio Veritas nitong Lunes.

Ginawang halimbawa ng obispo ang sampung beses na pagkakasala sa pakiki-apid ng isang Kristiyano.

“Sinabi niyang magbabago na siya. Then pagkatapos ng isang buwan ay nagkumpisal na naman siya at kinumpisal niya na Father, ako po ay nagkasala muli ng adultery five times po… Hindi naman siya mumurahin ng pari…kundi sasabihin pa nga, very good. Very good hindi yong adultery kundi sapagkat umaasenso na siya sa paglaban sa tukso,” paliwanag ni Bacani.

Iniulat kamakailan na sinabi ni Benedict na ang paggamit ng condom ng mga kalalakihang nagbebenta ng aliw ay isang tanda ng pagiging responsable.

Ang bagong pahayag ng Papa sa isang German journalist ay ikinagulat ng marami. Bago rito ay mariing kinundena ni Benedict ang paggamit ng condom na siya raw lalong nakapagpapalala sa AIDS crisis.

Ang pahayag ay bahagi ng librong “Light of the World: The Pope, the Church and the Signs of the Times,” na ilalabas sa publiko ngayong Martes. Ang ilang bahagi ng nasabing interview ay inilabas kamakailan ng Vatican newspaper na L’Osservatore Romano.

Sa kabila ng pahayag, sinabi pa rin ng Papa na hindi moral solution sa paglaganap ng AIDS ang paggamit ng condom. May ilan lamang ikang pagkakataon na ang paggamit nito ay maaring maging tanda ng moral responsibility.

Tulad ng sa kaso ng male prostitutes, ang condom use ay maaaring maging unang hakbang sa pagiging responsable at sa intensiyon na mabawasan ang posibilidad ng impeksyon sa pakikipagtalik.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply