‘Basura ang droga kung walang bibili’ — Sotto

PATULOY na lumolobo ang mga gumagamit at nalululong sa mga  ipinagbabawal na gamot, shabu at iba pang gaya nito.  Hindi ligtas dito ang ating kabataan.

Katunayan, lumalabas sa mga pag-aaral na pabata ng pabata ang mga gumagamit ng droga dahil sila’y madaling maimpluwesiyahan sa kanilang murang edad, walang matatag na pamilya at naghahanap ng grupong masasandalan.

Bilang dating chairman ng Dangerous Drug Board (DDB), naniniwala si Senate President Vicente Sotto III na mas magiging epektibong sandata ang pagbibigay ng patuloy na edukasyon.

“I believe that preventive education can be more effective tool rather than keeping them away from drugs, gangs and violence. At the same time it will help promote a drug-free community. As they say, prevention is better than cure,” giit ni Sen. Sotto.

Aniya, maituturing na basura na lamang ang droga kung walang bibili.  “The day we stop buying illegal drugs is the day that these drug lords will stop selling.”

Sa budget deliberation, hiniling ng mambabatas  sa Department of Education (DepEd) na ikonsidera at paglaanan ng pondo ang  pag-adopt sa “drug abuse prevention education program”.

Ang pondo nito ay kukunin mula sa panukalang P207.3-billion budget ng ahensiya sa susunod na taon.

Iginiit ni Sotto sa DepEd na isama sa regular curriculum ng  grade 5 at 6 students ang  Drug Abuse Resistance Education (DARE) program.  Aniya, mas makabubuti kung masisimulan ito sa susunod na pasukan, 2011, upang lalong paigtingin ang kampanya ng  pamahalaan laban sa drug diction partikular sa mga menor de edad.

Nilinaw pa nito na dahil nais nating matupad  na maipalaganap ang programa ng DARE sa bawat lugar sa bansa, maaari itong i-pilot-tested sa tatlong rehiyon sa National Capital Region (NCR), Region 7, at  10 kung saan talamak ang bentahan at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot o droga.

“The DARE program in the country’s educational system which will be a collaborative effort with law enforcement agencies has been in practice in the United States. It originated as a collaborative effort between the Los Angeles Unified School District and the Los Angeles Police Department in 1983,” ani Sotto.

Ayon  pa sa mambabatas, ang naturang programa ay magbubukas ng kaisipan ng mga mag-aaral sa mas malawak na pang-unawa sa epekto ng ‘mind-altering drugs’.  Makatutulong din aniya ito sa kanila na tanggihan o iwasan ang ‘peer pressure’ o pamimilit ng kapwa na nag-eeksperimento sa paggamit ng iligal na droga.

Tinukoy pa nito na dito sa Pilipinas,  may mga matagumpay na DARE program gaya sa  General Santos City, at La Union sa pangunguna ng Dangerous Drug Board (DDB) noong siya pa ang chairman ng nasabing ahesniya.

“The DARE program is an inexpensive undertaking in campaigning against drug abuse in the country,” ani Sotto.

“We have to enhance the DARE program and introduce it to grade 5 and 6 pupils to prepare them and make them aware of the ill effects and consequences of taking illegal drugs,” pagtatapos pa ng senador.

‘Wheelchair para sa pagpapatuloy ng buhay’

Isang bed-ridden patient ang muling nabigyan ng bagong pag-asa para ituloy ang buhay kasama ang pamilya sa pamamagitan ng wheelchair.

Kahit papaano, kumpiyansa si G. Romualdo ‘Badoc’ L. Rafols ng Brgy. Pajac, Lapu-Lapu City, 49, may 3 anak, na hindi siya magiging pabigat sa kaniyang pamilya dahil magagawa na nito ang ilang gawain sa pamamgitan ng kaniyang bagong wheelchair.

Masayang ipinagkaloob ni Sen. Sotto sa domestic airport sa Lapu-Lapu City ang hi-ling na wheelchair ni Leonor Rafols-Alterado, para sa kaniyang Kuya Badoc na biglaang na-stroke nitong Setyembre at tuluyan nang
natali sa kaniyang higaan at hindi na nakabangon.

Dahil dumalo sa isang okasyon ang senador sa Cebu City, isinabay na nito ang turn-over sa wheelchair sa nasabing paliparan bago bumalik ng Maynila.

Hindi naman matawaran ang kasiyahan ng bunsong kapatid ng wheelchair beneficiary dahil muli niyang masisilayan ang ngiti sa mga labi ng kaniyang kuya dahil sa panibagong pag-asa.

Nabatid na nagkaroon na ng ‘bedsore’ ang benipisaryo dahil sa matagal nang pagkakaratay sa kaniyang higaan at hindi makabangon.

“Sa wakas magagawa na rin ni kuya ang ilang bagay na regular niyang ginagawa gaya ng pag-aalaga sa kaniyang anak.  Salamat po Tito Sen.  More blessing po,” ang text message nito sa inyong lingkod ilang minuto matapos na matanggap ang wheelchair.

“Bilang bunsong kapatid, naaawa akong nakikita siya sa ganung kalagayan at nagiging helpless.  Ngayon masaya na rin ako dahil nakikita ko siyang nakangiti,” dagdag pa ni Leonor.

Para kay Sen. Sotto, sana’y hindi kayo mag-sawa sa pagtulong ng buong puso at walang maraming kuskos balungos.  “More blessings po sa lahat.”

Nais kong magpasalamat din sa staff ni Sen. Sotto na tumulong para sa katuparan ng hiling ni Leonor; kay Mike Caber, Media Relations Officer (MRO), Ramon Lopez,  photographer, Atty. Clarence Paul Oaminal na nakabase sa Cebu City, at sa iba pa na tumulong sa tagumpay ng kahilingan ng kapatid ng benipisaryo. Linda Bohol

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply